Friday , November 22 2024

Vice Ganda, matagal nang hinihingang gumawa ng libro

00 fact sheet reggeeFULL house ang Skydome noong Sabado ng gabi na ginanap ang book launching ni Vice Ganda na President Vice, Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas.

Umabot naman sa mahigit 2,000 ang nabentang kopya at 700 plus lang ang puwede sa meet and greet at napirmahan ni Vice at nangako naman na ‘yung mga hindi niya napirmahan ay puwedeng dalhin sa taping niya ng Gandang Gabi Vice o kaya sa It’s Showtime.

Bago umakyat ng entablado si Vice ay nakatsikahan muna namin siya sa back-stage.

Wala raw idea si Vice na magkakaroon siya ng libro katulad din ng hindi niya alam na magiging artista siya.

“Noon pa nila ako hinihilingan ng libro, ‘yung ABS-CBN Publishing, sabi ko naman, ayoko namang maglabas ng libro na masyadong serious, gusto ko ‘yung nakatatawa.

“Tapos tinanong nila (publishing) ako kung anong topic, sabi ko, ‘hindi ko alam, bahala na kung ano na lang pumasok bigla sa isip ko.’

“Tapos noong panahon na ng mga eleksiyon kahit saan ka (tumingin), Facebook, Twitter, Instagram, ang daming nag-aaway-away. That time tuwing magpo-post ako sa social media, I’ll make sure na fun lang ‘yung ipo-post ko para hindi na ako makisabay sa mga (isyu). Kaya nga I never endorse anyone.

“Kasi ayoko ng makidamay sa gulo, kaya tuwing magti-tweet ako, nagtwi-tweet ako ng #Pagbabago tapos kinakagat naman nila (publiko) tapos nagte-trending ‘yung mga tweet kong #pagbabago tapos ang daming retweet na umabot ng thousands of retweet.

“Sabi ko, ay ang taray, gawa kaya ako ng mga ganito, tapos nabasa ng publishing, sabi nila, ‘gawin nating libro, i-compile natin. Gawa ka pa ng marami’

“Sabi ko, paano po, ‘halimbawa, you’ll become the President, anong gagawin mo? Ang mga kabulastugan lang, fun-fun lang’ kaya sabi ko, ‘ay sige po ita-try ko.’

“Tapos noong magbi-birthday ako, sabi nila, ‘tutal magbabakasyon ka, baka puwedeng karerin mo na.

“Tapos sabi ko, ‘ay parang magandang dahilan ito para makapag-extend ako ng bakasyon kasi gagawa ako ng libro, so na-pressure ako gumawa ng libro. Kaya noong nasa Boracay ako bago ako umuwi, nasa Jacuzzi lang ako, sulat ako ng sulat tapos ipinakita ko sa kanila (publishing), hayun natuwa naman sila tapos pinagsama-sama na nila. Wala laugh trip lang (nakasulat sa libro).”

Noon pa sana inumpisahan ni Vice ang pagsusulat ng libro dahil maraming laman ang utak niya, “actually maraming laman talaga ang mind ko na hindi ko lang masabi kasi hindi naman puwedeng sabihin sa TV, pangalawa, ang arte ng tao ngayon, noong bago lang ako, mas open sila.

“Ngayon kailangan mas mapili ka sa sinasabi, mas sanitized na, everything na sasabihin mo, bibigyan ng magandang connotation o maling connotation,”katwiran ng TV host/actor.

Hindi educational, walang matututuhan

Sa tanong kung anong aspeto ng buhay ng tao ang puwedeng mabago kapag nabasa ang libro.

“Bibigyan lang kita ng paraan para malibang ‘yung sarili mo lalo na kapag nasa kalagitnaan ka ng trapik.

“Mayroon kang maliit na libro, kung magbabasa ka, hindi ka mag-iisip na kung ano ang ibig sabihin nito o malalim ba ito. Sabi ko nga, hindi ito malalim (libro), hindi ito educational material, wala kang matututuhan dito.

“Ang matututuhan mo lang dito ay matuto kang tumawa at gumaan ang buhay mo sa panahong bagot na bagot ka na, ‘yun lang,” pagtatapat ni Vice.

Mag-uumpisa na ng taping sa FPJ’s Ang Probinsyano

Ngayong linggo ang taping ni Vice sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil sila na ni Coco Martin ang bumubo ng topic nila.

“Napapanahon kasi ngayon ‘yung topic na pareho naming gusto ni Coco, relevant ‘yung issue na ita-tackle,” say ni Vice.

At binanggit din ng Unkabogable Phenomenal Star na kasama sina Onyok at Aura (MacMac) sa pelikula nila ni Coco pero hindi sigurado kung entry sa 2016 Metro Manila Film Festival.

“Hindi pa kasi alam kung aabot kasi nga ‘di ba, may bago na ang mechanics ng bagong organization.

“Marami silang bagong rekoretos, ganyan hindi namin alam kung mami-meet namin.

“Sana nga may filmfest kasi nasanay na rin naman akong may pang-film festival,” say ni Vice.

At nasanay na rin ang tao na may Vice Ganda tuwing Metro Manila Film Festival.

Gustong maging First Lady

Seryosong tanong kung bibigyan ng chance si Vice ay ano ang gusto niya, maging Pangulo o First Lady ng bansa?

“First Lady,” mabilis na sagot ng TV host/actor at ang gagawin daw niya sa Pilipinas, “kung magiging first lady ako, ang una kong project, ‘yung outfit ko, kailangan ako ang pinaka-glamorosang first lady sa buong mundo.

“Tapos wala akong pakialam sa lipunan, gusto ko sarili ko lang, ako ang walang kuwentang first lady,” tumawang sabi ni Vice.

Samantala, mabibili na ang Vice Ganda, Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas sa halagang P175 at mabibili ito sa lahat ng sangay ng National Book Store at ABS-CBN Publishing.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *