Thursday , May 8 2025

GMA pinalaya sa botong 11-4 (Inabsuwelto ng SC)

072016_FRONT

IPINOPROSESO na ang release order ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ito ang kinompirma ni Atty. Raul Lambino, makaraan paboran ng Supreme Court (SC) ang kahilingan nilang pagbasura sa kinakaharap na plunder case dahil sa PCSO fund scam.

Ayon kay Lambino, 11-4 ang naging boto ng mga mahistrado, pabor kay Arroyo, dahil sa kanilang inilahad na mga argumento.

Giit ng tagapagsalita ng dating pangulo, mula sa simula ay walang matibay na ebidensiya sa kaso kaya marapat lamang na palayain ang nasasakdal.

Kabilang sa mga pumabor sa pagbasura ng kaso ni Arroyo sina Justice Presbitero Velasco Jr., Justice Teresita de Castro, Justice Arturo Brion, Justice Diosdado Peralta, Justice Lucas Bersamin, Justice Mariano del Castillo, Justice Jose Perez, Justice Jose Mendoza, Justice Bienvenido Reyes, Justice Estela Perlas-Bernabe, at Justice Francis Jardeleza

Habang ang mga tumutol ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Justice Marvic Leonen, at Justice Benjamin Caguioa.

SC INIRERESPETO NG PALASYO

072016 supreme court GMA
IGINAGALANG ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa plunder case ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa P366 milyon Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) funds.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, nagsalita na ang High Tribunal kaugnay sa plunder case ni Arroyo kaya dapat irespeto ito.

“The Supreme Court has spoken. The Supreme Court, voting 11-4, acquitted former President and now Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo in connection with charges that she misused funds of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Let us respect and abide by the High Court’s decision,” wika ni Andanar.

Ibinasura ng mga mahistrado sa botong 11-4 ang plunder case ni Arroyo kaugnay sa sinasabing pakikipagsabwatan sa matataas na opisyal ng PCSO para lustayin ang pondo ng ahensiya.

Halos apat na taon nang naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) mula noong Oktober 2012.

Naghain ng petisyon ang kampo ni Arroyo sa Korte Suprema para sa ‘ demurrer to evedince’ at ang pagbabasura sa kasong plunder na isinampa laban sa dating chief executive.

Mula nang kasuhan ng plunder ng administrasyong Aquino si Arroyo, ni minsan ay hindi nagkaroon ng pagdinig ang kaso samantala ang sinasabing mga kasabwat o kapwa akusado niya ay matagal nang  pinayagang magpiyansa ng Sandiganbayan.

Naniniwala si Presidential Peace Process Adviser Jesus Dureza na naigawad na ang hustisya kay Arroyo.

“Justice has been served. We talk on the phone on my way here. I congratulated here. I am so elated,” ani Dureza na nagsilbing Press secretary sa administrasyong Arroyo.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *