NOW it can be told na sinuwerte ang APT Entertainment, MZet Productions, at GMA Films kina Alden Richards at Maine Mendozadahil umabot sa P24-M ang 1st day of showing ng pelikula nilangImagine You & Me na idinirehe ni Mike Tuviera.
Say sa amin ng taga-APT Entertainment, ”actually more than P24-M ang alam ko, hindi ko lang alam exact figures.” At sabay sabing, ”walang padding ‘yan, ha.”
So, pupuwedeng masungkit ang P1-B gross ng IYAM?
Binigyan ng MTRCB rating na General Patronage ang pelikula nina Alden at Maine kaya all ages ito at all sexes ay puwedeng manood.
As early as today ay inihahanda na rin daw ang next project nina Alden at Maine na pang-Valentine’s Day na dapat sana ay pang- MMFF pero hindi na aabot dahil sa hectic na schedule ng dalawa.
FACT SHEET – Reggee Bonoan