Sunday , June 16 2024

Real score kina Coco at Julia, secret daw

00 fact sheet reggeeHANGGANG taong 2017 nga talaga ang aksiyong seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil wala kaming nakikitang dahilan para tapusin ito dahil maraming istorya pa ang puwedeng buksan sa serye ni Coco Martin.

Bukod pa sa pagiging number one nito sa primetime slot na binubuo rin nina Ms Susan Roces, Albert Martinez, Agot Isidro, Arjo Atayde, MacMac, Benny, Onyok, John Prats, Marc Solis, Maja Salvador at marami pang iba handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Avel Sumpongco, Toto Natividad, at Malu Sevilla.

Sabi ni Coco, hindi naman daw magiging maganda ang resulta ng Ang Probinsyano kung wala ang naging special guests nila at ang mga susunod pa.

At sa tsikang tatagal pa hanggang 2017 ang serye, ”mahirap po kasing magsalita (kung hanggang kailan), pero dahil nga nagsimula kami September (2015), siguro ang ipapangako namin ay aabot kami ng isang taon,” sabi ng aktor.

Sa ginanap na presscon ay sinabi ni Coco na ang next guests nila ay sinaVice Ganda, Ethel Booba, Chocolate, Lassy, at MC na pawang mga stand-up comedian kaya natanong naman ang aktor kung ano ang magiging papel ng mga nabanggit.

“Bumubuo kasi kami every episode kung sino ‘yung artista at konsepto. Ang next nga si Vice. Sabi ko nga sa kanya, pangako namin na ibang-ibang Vice ang mapapanood nila kasi nga alam na ng lahat kung sino siya sa mga pelikulang nagawa na niya. Iibahin namin si Vice rito.

“Isa silang malaking sindikato na tungkol sa cybersex, parang ganoon ang kuwento nila,” kuwento ng aktor.

Si Coco raw mismo ang nag-imbita kay Vice na mag-guest, ”sabi ko nga kung hindi siya pumayag magkakatampuhan kami bilang magkaibigan.

“Lalabas sina Vice siguro two to three weeks ganoon din naman ‘yung mga ginagawa sa ibang guests.”

Kaya pa ba ni Vice mag-guest sa Probinsyano sa rami ng ginagawa nito?”Ganoon naman talaga ang magkaibigan, nagtutulungan sa hirap at ginhawa, mayroon o wala, nariyan kami para sa isa’t isa,” say ng aktor.

Bukod kina Vice at Cesar Montano ngayon (umeere na) na ka-trabaho na ni Coco ay pangarap din niyang makasama si Robin Padilla.

“Si Robin, si Philip Salvador, marami po. Sabi ko nga, sobrang blessed ko na at gusto kong makatrabaho ang mga hinahangaan kong artista sa sobrang natutuhan ko sa kanila ay isine-share rin nila sa project na ito. Sobrang blessed para sa amin,” pahayag pa ni Cardo.

At dahil police crime ang takbo ng kuwento ng Ang Probinsyano ay marami pa palang kuwento ang hindi pa naipakikita sa serye.

”Marami pa po, hangga’t hindi natatapos ang krimen sa Pilipinas, hindi matatapos ang ‘Probinsyano’.”

Nakatutulong ang programa nina Coco sa paglutas ng krimen sa mga pulisya dahil sa mga episode na ipinalalabas nila.

Sa usaping pag-ibig, tinanong ang personal life ni Coco pero napangiti siya at nakiusap na ibalato na lang daw.

Kinumusta sa aktor ang nababalitang girlfriend niyang si Julia Montesna sa huling presscon ay nabanggit ng aktres na si Coco na lang daw ang tanungin kung ano ang real score nila.

Natawa si Coco sabay sabing, ”sabi ko nga secret eh.”

Natanong bakit si Julia ang pinakamalapit sa aktor, ”mabait naman po si Julia, magaling na magaling po siya sa ‘Doble Kara’. At busy po siya sa ‘Doble Kara’ eh. Minsan po nagte-text-an po kami.”

Kailan ba aamin si Coco tungkol kay Julia? ”Eh hindi naman po kasi ako ‘sing bata ng JaDine.

“Sabi ko nga po sa edad ko, ako dapat ‘yung ano talaga eh, iniingatan ko ‘yung pribadong buhay ko kasi sabi ko nga, sobra-sobra na ‘yung naibibigay ko sa trabaho ko, ‘yun na lang po dapat ‘yung itira ko.”

Ngayong kapitbahay na ni Coco si Julia ay nadadalaw na ba niya parati ang dalaga.

“Palagay ko po kahit dumalaw ako wala rin siya sa bahay niya kasi everyday din po siyang nagte-taping,” mabilis na sagot ni Coco.

Samantala, si Coco ay sobrang natutuwa sa magandang buhay na naibigay niya kina Onyok at MacMac dahil malaki na ang ipinagbago ng buhay nila at sikat pa.

“Nakatutuwa po, siyempre hindi lang naman ako, pati sina tita Susan, mga direktor ko, creative namin.

“Honestly, turing ko na sa kanila parang mga anak, eh. Ang sarap ng pakiramdam at lagi ko pong sinasabi na nanggaling din ako r’yan (pagiging mahirap) at ang dami pong taong tumulong sa akin.

“Kaya kung anuman ‘yung naitulong sa akin at isine-share ko ay ibinabalik ko rin po sa kanila.

“Kaya mahihirapan akong i-let go sila, sobrang bait niyong dalawang bata, si Onyok nga makulit, sobrang bait at malapit sila sa pamilya at nakikita kong sila rin ang magiging dahilan para mabago ang pamilya nila,”kuwento ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *