Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Greatest Love, ieere na sila sa Lunes

00 fact sheet reggeeNINENERBIYOS ang buong cast ng seryeng The Greatest Love na sina Sylvia Sanchez, Mat Evans, Arron Villaflor, Andi Eigenmann, at Dimples Romana kasama rin sina Rommel Padilla at Nono Buencamino mula sa direksiyon ni Dado Lumibao dahil sa Lunes, Hulyo 18 na ang airing nila kapalit ng Super D nina Dominic Ochoa atMarco Masa.

Biglaan daw kasi ang airing ng The Greatest Love na buong akala ng lahat ay sa Agosto pa, pero dahil na rin sa ganda ng feedback mula sa advertisers sa nakaraang Trade Launch ng ABS-CBN ay biglang ieere na ang first title role ni Sylvia.

Kung hindi magbabago ang plano ay lilipad patungong Quirino, Isabela ang buong cast ngayong araw, Biyernes hanggang Linggo para kunan ang mga eksenang probinsiya bago sila lumuwas ng Maynila.

Kaya wish ng buong cast at production na sana hindi umulan o walang bagyo dahil ang mga kukunang eksena ay sa bukid at sa ilog na nagsasagwan si Ibyang.

Kuwento nga ng mga nakapunta sa Isabela na roon kinunan ang poster ngThe Greatest Love, sobrang hirap daw dahil nga ilang ulit silang nag-take dahil hinahabol ang sikat ng araw noong nakaraang linggo bago sumalakay ang bagyong Butchoy.

Hindi naman magkaka-problema sa taping ang The Greatest Love para sa cut-off time nila dahil walang bagets sa kuwento kaya walang sisita sa kanila na DOLE.

Speaking of Ibyang, ”ngaragan ang taping namin tiyak ng ‘Greatest Love’ kasi akala namin talaga August pa ang airing. Kaya hindi mo ako makakausap ng ilang araw n’yan,” sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …