Thursday , June 4 2026
dead gun

Tulak ng droga binistay ng bala

BINAWIAN ng buhay ang isang pinaniniwalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si alyas Loloy, residente sa panulukan ng Elias at Antipolo streets, sa riles ng PNR sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng MPD-Homicide Section, dakong 9:45 pm nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar habang isinasagawa ang buy-bust operation.

Mismong ang hepe ng SAID na si Chief Insp. John Guiagui, ang nakabaril sa nasabing suspek.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Joana Cruz at Kimbee Yabut )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …