VERY noticeable ang rap portion sa album ni Myrtle Sarrosa, ang Now Playing-Myrtle, a nine-track fusion album crossing over ballad, pop, dance, RnB with influences of hiphop.
“Influences ko talaga as a singer is really hip hop and rap. Kahit sumasali kami sa biritan na contest, the songs that I really listen to is hip-hop and rap-inspired. Sa ‘Your Face Sounds Familiar’, noong pinagbigyan nila ako to do Nicki Minaj, nakitaan ako nila sir Gary Valenciano ng talent. Doon talaga ako nagkaroon ng motivation to push it. The reason kung bakit ako gumawa ng rap album is wala pang female rapper sa mainstream ngayon,” say ni Myrtle sa launching ng kanyang album from Ivory Music and Video.
Lahat ay sarili niyang compositions kaya naman natanong siya kung ano ang kanyang inspirations sa paggawa ng mga kanta.
“’Yung iba’t ibang songs ay iba-iba ang inspirations nila. ‘Yung ‘Label’, right after ay isinulat ko talaga siya agad. ‘Yung ‘Ngayon’ naman ay isinulat ko right after I woke up. So, may inspiration to every song really varies. So, you can ‘t really expect kung saan talaga siya nanggagaling,” paliwanag niya.
Kasama sa album ang Mr. Pakipot, Heartbroken, Nasaan Ka Na, Still Love Me, Tadhana, Ngayon, Label, Sabi Nila.
UNCUT – Alex Brosas