Monday , December 23 2024

18 Vietnamese nahuli sa illegal fishing, nakatakas

TUGUEGARAO CITY – Nakatakas ang 18 Vietnamese na nahuling ilegal na nangingisda sa Calayan island, Cagayan.

Sa impormasyong nakalap, nakatakas ang nasabing foreign poachers habang nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Irene sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan.

Napag-alaman, pasado 10:00 pm nitong Huwebes nang tumakas ang mga mangingisdang Vietnamese gamit ang kanilang fishing vessel.

Nagsasagawa nang malalimamg imbestigasyon ang PCG at BFAR para malaman kung paano nakatakas ang mga dayuhan.

Siniguro ng PCG at BFAR na may mananagot sa insidente.

Matatandaan, nasabat nang pinagsanib na puwersa ng BFAR at PCG nitong Mayo ang naturang poachers dahil sa ilegal na pagpasok at pangingisda sa teritoryo ng Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *