NATAGPUAN na ang katawan ng pinugutang Canadian na si Robert Hall sa lalawigan ng Sulu.
Ayon sa Western Mindanao Command, naaagnas na ang bangkay nang matagpuan kahapon.
Matatandaan, noong isang buwan pa pinugutan ng ulo si Hall ng mga bandidong Abu Sayyaf dahil sa hindi pagbabayad ng milyon-milyong ranson.
Sadyang hindi agad inilabas ang katawan dahil sa galit ng ASG sa pagmamatigas ng Canada sa “no ransom policy.”
Gayonman, ang Filipina na si Marites Flor ay pinalaya na bilang pagpapakita raw ng “good will” ng abductors.
Sinalubong si Flor ni Sec. Jesus Dureza at iniharap kay President Rodrigo Duterte sa isang programa sa kampo ng pulisya.