BABALIK na ng Pilipinas si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby galing ng Los Angeles, USA ngayong weekend.
Base sa panayam namin sa kaibigan at confidante ni Kris na si Boy Abunda,”kausap ko kanina, she’s coming home, I think over the weekend, hindi ko lang alam kung anong eksaktong araw, Sabado, Linggo, Lunes, but she’s coming home,” nakangiting sabi ng King of Talk.
Truliling dalawang shows daw ang gagawin si Kris sa ABS-CBN pagbalik niya.
“I am not in a position to discuss that, pero I know ABS-CBN and Kris are talking about a possible show or shows.
“Klaro naman ‘yun from the beginning kapag bumalik si Kris, sa pagkakaalam ko ha, ‘pag siya’y nagdesisyong bumalik, sila’y uupo ng ABS-CBN (management), kung ano ang palabas na puwede nilang gawin, together,” pahayag ng TV host.
Nabanggit din ni kuya Boy na wala siyang alam sa tsikang humihingi si Kris ng limang taong kontrata sa Kapamilya Network pero isang taon lang ang kayang ibigay.
FACT SHEET – Reggee Bonoan