BONGGA sina Jerome Ponce at Loisa Andalio dahil sila ang latest loveteam ng Dreamscape Entertainment para sa bagong episode ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush na mapapanood na sa Linggo, Hunyo 26.
Base sa set visit sa Sampaguita Gardens noong Lunes ay nakitaan kaagad sila ng entertainment press ng chemistry.
Nagkasama na pala sina Jerome at Loisa sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan pero si Joshua Garcia pa ang ka-loveteam noon ng dalagita at kuya naman niya ang una.
Pahayag ni Jerome, “hindi ko ine-expect, ibang tao ang ine-expect ko for her. Nagulat ako siyempre kasi alam naman po ng lahat na siya ay 17, ako 21.”
At ang revelation ng aktor, “noong ‘PBB’ days, may paghanga. Tapos, siyempre, alam kong nandiyan si Joshua (ka-loveteam ni Loisa), naging kulitan, friends. And hindi naman din po kasi ako ’yung parang nandoon ’yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano. Andoon ako sa ine-enjoy ko ’yung araw-araw kong trabaho. Ito, katrabaho ko siya, ‘di eh-enjoyin ko lalo.”
Nagulat naman si Loisa kasi wala siyang idea na crush siya ng ka-loveteam, at sabay hirit ni Jerome,”‘yung sinabi sa ’yo rati ni Janella (Salvador)?”
Nabanggit na noon pa ni Janella na crush siya ni Jerome, “kay Janella ko lang inamin ’yun. Ayun, siguro at least, alam na niya ngayon, so ’yun.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan