SENTRO ng usapan sa presscon ng Miss Manila 2016 ang candidate #22 na si Joanna Marie Rabe ng Sampaloc, Manila na umaming may dyowang tibo.
Apat na taon na raw ang kanilang relasyon. Hindi raw niya ito ikinahihiya. Pabor din siya sa same sex marriage.
Sey niya, iwasan ang discrimination at irespeto ang bawat nilalang dahil lahat daw tayo ay gawa ng Diyos.
Hindi raw niya itinago sa screening committee ang sitwasyon niya at buong puso siyang tinanggap dahil deserving din siyang maging kandidata.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro