Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricar Reyes, peg maging GF ni Erik Santos

00 fact sheet reggeeSa kabilang banda, kinumusta namin si Angeline Quinto kay Erik na sabi ng dalaga ay hindi na raw itinuloy ng binata ang panliligaw.

“Ganoon ba? Eh, kung ano na lang ang sinabi niya, Ate Reggee, ‘yun na lang,” sagot sa amin.

‘Ano ba talaga?’ pangungulit namin.

“Wala, hayaan mo na, busy siya at saka busy din ako kaya okay na magkaibigan na lang kami,” pahayag ni Erik.

Hindi naman itinanggi ni Erik na gusto na niyang mag-asawa dahil hindi naman na rin siya bumabata. Pero mukhang mahirap magkaroon ng girlfriend muna ang singer.

“Gusto ko kasi ‘yung kakaibiganin ko muna, ‘yung friends kami, gusto ko ganoon ang foundation namin, o sige, maski hindi sobrang ganda, basta presentable,” sabi sa amin.

Peg daw ni Erik ay ang misis ni Richard Poon (RP) na si Maricar Reyes, kaya ang sabi namin, ‘Eh, bakit kasi hindi mo kaagad niligawan noong dalaga pa? Hindi naman kaagad nagkita o nagkakilala sina RP at Maricar?’

“Eh, hindi naman kasi kami nagkita rin ni Maricar that time, at saka hindi kami magkakilala, hayaan mo na, kay Richard talaga naka-destined ‘yun,”sabi kaagad ni Erik.

Nagkuwento pa ang binatang singer na ang gusto niya sa babae ay natsa-chalenge siya.

“May naka-date kasi ako, feel na feel niyang may ka-date siyang TV personality, ‘yung taas-noo. Ayoko ng ganoon, Ate Reggee, gusto ko ‘yung nakaka-challenge, ‘yung itatratong ordinaryo lang, hindi dahil napapanood ka or kilala ka,” kuwento ng binata.

Ilan na rin ang nakaka-date si Erik at ‘yung iba ay hindi na niya sinisipot pagkatapos ng dalawa o tatlong beses nilang pagkikita.

“Umiiwas na ako, panay pa rin ang text, sumasagot ako, pero halatang matabang na hanggang sa hindi na nag-text.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …