Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-beauty queen, nahulog sa bitag ni male TV host

BINUBULIGLIG kami ng mga tanong sa Cristy Ferminute tungkol sa isang male TV host: totoo nga bang sila na raw ngayon ng isang dating beauty queen?

Matatandaang for a while ay hindi muna umere sa kanyang time slot ang programa ng TV host to give way to the network’s more important news coverage. Pero nang bumalik na ito sa himpapawid, biglang may nadagdag na co-host sa programa: ang ex-beauty queen.

Kung kami ang tatanungin, may promise ang hitad sa larangan ng hosting. ‘Yun nga lang, hindi masarap sa pandinig ang kanyang boses. Cheap ang dating, sa totoo lang.

Next thing na malaman-laman namin, nahulog na umano sa makamandag na bitag ng male TV host ang hitad. Naisama na raw kasi niya ito sa kanyang marangyang pahingahan sa labas ng Metro Manila Manila.

Da who ang mga bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin ang balitang magdyowa na sa alyas na Billy de Villa at Mariel Querida.

 ( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …