MAY malaking pangarap ang magkasintahan sa Ivetapa, Brazil: ang ideklarang world’s shortest couple.
Si Paulo Gabriel da Silva Barros, 30, ay walong taon nang kasintahan ang 26-anyos na si Katyucia Hoshino.
Si Barros ay 34.8 inches ang taas habang si Hoshino ay bahagyang mas mataas sa kanya sa 35.2 inches.
Sinabi ni Barros, sila ay may koneksiyon bukod sa kanilang pagiging bansot.
“Basically, we are a normal couple but our height is a little smaller,” pahayag ni Barros sa Barcroft TV. “The best thing about our relationship is our closeness … our companionship we have for each other.”
Si Barros ay isang legal secretary. Habang si Hoshino ay may sariling beauty salon.
Sinabi ng magkasintahan sa Barcroft, nais nilang makuha ang Guinness record para sa world’s shortest couple, kasalukuyang hawak nina Douglas Maistre Breger da Silva at Claudia Pereira Rocha ng Curitaba, Brazil, na 35 inches at 36 inches ang taas.
Ngunit may sabagal: sina Barros at Hoshino ay dapat na magpakasal – na hindi pa nila plano sa ngayon.
“We’ve decided to let things happen at the right moment,” ayon kay Hoshino. “In regards to the future we say, ‘never say never.’” (THE HUFFINGTON POST)