Monday , May 13 2024

Tunay na Kalayaan

ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakuhan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya.

Ngayon ay ginugunita ng pamahalaan ang ika-118 taon ng Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Subalit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang tunay ba na araw ng paglaya o ito ay araw ng kataksilan laban sa bayan?

Mula ika-4 ng Hulyo ay ginawang Hunyo 12 ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang paggunita sa araw ng ating kalayaan para makuha ng kanyang administrasyon ang suporta ng mga makabayang puwersa. Kakatwang ginawa niya ito matapos niyang buksan ang ating ekonomiya sa mga dayuhan at gibain ang mga makabayang patakaran ng kanyang pinalitang pangulo na si Carlos P. Garcia.

Bago naging Araw ng Kalayaan ang Hunyo 12 ay kinikilala ito bilang Pambansang Araw ng Watawat sapagkat sa petsang ito umano noong 1898 unang iwinagayway ang kasalukuyang bandila sa tahanan ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Pero ayon sa tala ng kasaysayan, unang iwinagayway ang ating bandila noong ika-28 ng Mayo, 1898 sa kasagsagan ng labanan ng mga rebolusyonaryong Filipino at kawal Kastila sa barrio Alapan, Imus, Cavite. Ito’y 15 araw bago mag-Hunyo 12.

Gayon ma’y mali pa rin na kilalalin ang Hunyo 12 ni Aguinaldo bilang Araw ng Kalayaan sapagkat noong Agosto 1896 pa, sa pangunguna ni Supremong Andres Bonifacio at ng mga kasapi ng Kagalanggalangan Kataastaasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK-AnB), naipahayag na nila ang kalayaan ng bayan.

Ayon sa mga tala’t saksi, mula Agosto 23 hanggang 26, 1896 ay idineklara ni Bonifacio at mga kasama ang kalayaan at ang pagsisimula nang himagsikan laban sa mga Kastila. Pinunit nila ang kanilang mga cedula at nagdaos ng mga makabayang pagpapahayag sa mga barrio ng Pugad Lawin, Kangkong, Bahay Toro at Pasong Tamo (na ngayo’y mga barangay ng Lungsod Quezon).

Hindi gaya ng malinaw na deklarasyon ng kalayaan ni Bonifacio, ang pahayag ni Aguinaldo sa Kawit ay oxymoronic o o kinakikitaan ng mga elementong magkasalungat. Nagdedeklara ng kalayaan pero kasabay ng pahayag na ito ay idinedeklara rin niya na ang Filipinas ay isang protectorate ng United States.

Bilang US protectorate lumalabas na ibig ni Aguinaldo na ang Filipinas ay maging isa lamang teritoryo ng Amerika na may autonomiya tulad ng Puerto Rico o Guam at hindi isang malayang bansa. Hindi pinansin ng pamahalaang Amerikano ang pagsisipsip ni Aguinaldo at tayo ay kanilang pataksil na dinigma. Ang digmaang Pilipino-Amerikano ay tumagal mula 1899 hanggang 1902 at tinatayang 600,000 hanggang isang milyong Filipino ang napaslang sa loob ng panahong ito.

Sa loob ng 44 taon ay isang teritoryo ng US ang Filipinas. Noong ika-4 ng Hulyo 1946, binigyan tayo ng kalayaan ng mga Amerikano matapos nilang matiyak na mananatili tayong neo-kolonyal, isang kalalagayan na tunay na ugat ng ating kahirapan ngayon.

Ngayon, ang Hunyo 12 ba ay araw ng kalayaan o kataksilan?

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *