MALIGAYA si Jaclyn Jose noong manalo sa Cannes Film Festival. Lahat ay humanga sa kanya kahit mga artista sa ibang bansa.
Kuwento ni Jaclyn, very happy siya dahil binati siya ni Gov. Vilma Santos na paborito pala niya.
Malaking saludo rin kay Direk Brilliante Mendoza natalbugan pa niya ang mga karaniwang pelikula na sabi nila ay milyon ang kinikita sa takilya. Hindi man milyon ang kikitain ng Ma’Rosa kapag ipinalabas, okey na rin dahil hindi mabibili ng salapi ang karangalang tinamo nila sa Cannes.
SHOWBIG – Vir Gonzales