WEDER-WEDER lang talaga sa showbiz. Dati, Ryzza Mae Dizon ang pokus sa Eat Bulaga ngayon, si Baby Baste na paborito bukod sa cute, talented pa ang bata.
Sa kabilang banda, mabuti na lang at may serye si Ryzza Mae at least nariyan pa siya at humahataw. Sabi ng iba aliw na aliw sila kay Baste. Hindi dapat magbago ng pagtingin kay Ryzza dahil ang batang ito ang nagsimulang magpakulo para panoorin at pagtiyagaan ng publiko Eat Bulaga.
Kung sino-sinong big stars pa ang ininterbyu ni Ryzza noon dahil flavor of the month ang pagka-cute niya. Pero, sa showbiz walang forever lalo na ngayong maraming talented ang dumarating.
SHOWBIG – Vir Gonzales