Thursday , June 4 2026

Alyssa, Erika Mae, Josh, Sarah at Janna, tampok sa Voices of Love

00 Alam mo na NoniePANGUNGUNAHAN ng mga talented na bagets ang show sa Music Box na pinamagatang Voices of Love. Gaganapin ito sa May 29 (Sunday) at tampok dito ang mga promising singers na sina Alyssa Angeles, Erika Mae Salas, Josh Yape, Sarah Ortega, at Janna Manuela Enriquez.

Front act naman sina Adrian Desabille, Stepahnie Bangcot, Aizert Ann Bolivar, at Katherine Grace Galleto.

Special guest naman dito sina Michael Pangilinan, ang award-winning aktres na si Ana Capri, ang Singapore based singer na si Tori Garcia, at ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Si Erika Mae ay 14 years old at posibleng bago siya mag-birthday ngayong October lalabas ang kanyang album. Si Sarah Geronimo ang idol niya at gustong sundan ang yapak.

Bakit si Sarah? “Kasi po ang galing-galing niya pong mag-perform at kung puwede po, gusto kong sundan ang yapak niya,” saad ni Erika Mae.

Si Josh ay 15 naman at nagpapasalamat siya na mula sa pagiging guest sa mga show, kabilang na siya ngayon sa main act. “Opo, thankful ako na kumbaga, ngayon po mas nag-level-up pa po,” saad niya na idinagdag pang inpsirasyon niya sa pagkanta ang mother niyang may sakit na leukemia.

Si Katherine naman ay 11 years old at idol niya si Katty Perry at Kathryn Bernardo. “Sumasali po ako sa mga contest sa school namin at dream ko siyempre po na magka-album din,” nakangiting saad niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …