Thursday , June 4 2026

Allen Dizon, bigay-todo sa bawat project na ginagawa!

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paggawa ng challenging na pelikula ang mulit-awarded actor na si Allen Dizon. Recently, muling nanalo ng Best Actor award si Allen Dizon sa 4th Silk Road International Film Festival para sa pelikulang Iadya Mo Kami, na actually ay isang record dahil back to back win ito para kay Allen na last year ay nanalo rin dito para naman sa pelikulang Magkakabaung ni Direk Jason Paul.

Ito ang pang-apat niyang international Best Actor award, at pang-20 na Best Actor award sa kabuuan. Kaya marami ang nagtatanong sa actor kung kinasasanayan na niya ang tumanggap ng ganitong award lalo na at pang-International?

“Medyo sanay na rin, pero iba pa rin iyong kapag nanalo ka, hindi ba? Iba pa rin ang pakiramdam kapag tinawag ang pangalan mo at aakyat ka sa stage, iba pa rin ang pakiramdam.

“Sa totoo lang, kapag award’s night, kinakabahan pa rin siyempre ako,” paliwanag ni Allen.

Pero nilinaw din ni Allen na hindi naman niya iniisip ang award kapag may ginagawa siyang project.

“Pero ako naman, hindi ko iniisip na kapag may project ako, pang-award iyon. Hindi ganoon e, kasi, nakaka-dagdag pa iyon sa pressure. Pero ang ginagawa ko naman kasi, lahat ng project na natotoka sa akin, talagang ibinibigay ko ang best ko,” pahayag pa ni Allen.

Gumanap si Allen Sa Iadya Mo Kami bilang isang pari na may naanakang girlfriend. Isa raw ito sa pinaka-challenging na role na kanyang nagampanan. Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel at Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri

Isa si Allen sa dumalo sa blessing ng bagong opisina ng BG Productions International na matatagpuan sa Lee Gardens Condominium sa Mandaluyong City.

Aminado ang may-ari ng BG Productions na si Ms. Baby Go na isa si Allen sa loyal na actor sa kanyang movie outfit. Pinuri niya rin ito sa pagiging professional, mabait, at walang arte sa trabaho.

Sa panig naman ni Allen, sinabi ng actor na masaya siyang maging bahagi ng movie company ni Ms. Baby. “Siyempre natutuwa tayong maging part ng BG Productions. Nakikita naman natin na ang mga project dito, may advocacy talaga at makikita natin na makabuluhan ang mga pelikula ng ating producer.

“Kaya thankful ako na may isang Baby Go na talagang tumutulong sa ating indie films. Masaya rin tayo na maraming pelikula ng BG ay kinikilala sa mga award giving bodies dito sa ating bansa at pati na sa abroad,” pahayag ni Allen.

Sa ngayon, ginagawa niya ang pelikulang Area with Ai Ai delas Alas. Ito’y mula  sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …