BUKOD kay Dingdong Dantes, kasama na rin sa remake ng Encantadia ang original cast nitong si Sunshine Dizon na gumanap noon bilang Pirena.
Bagong character daw ang gagampanan ni Sunshine na ginawa talaga para sa kanya. Kaya naman labis-labis ang kasiyahan ng actress nang makarating sa kanya ang magandang balita.
“Masaya ako kasi at first I thought sina Dong (Dingdong Dantes) lang. Tapos when they said that they created a new character for me, sobrang na-touched ako and happy ako kasi gusto ko talagang maging part ng ‘Encantadia 2016’.”
MATABIL – John Fontanilla