Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea si Jake pa rin ang gustong maging BF?

AYON kay Bea Binene, ayaw niya munang bigyan ng oras ang kanyang lovelife. ayaw niya munang pumasok muli sa isang commitment. Gusto raw muna niyang mag-concentrate aa kanyang career. At saka na lang daw niya muling susubukang magka-boyfriend.

Ang huling nakarelasyon ni Bea ay ang dating ka loveteam na si Jake Vargas at mahigit isang taon na silang hiwalay.

Hindi kaya ang tunay na dahilan ay mahal pa ni Bea si Jake at umaasa pa siya na babalikan nito? Na kiyeme niya lang na ayaw pa muna niyang magka-boyfriend muli?

Tungkol pa rin kay Bea, first time niyang bomoto noong May 9 . At ayon sa kanya, hindi siya naniniwala sa mga surveys na ibig sabihin ay hindi siya pasu-sway o padadala. Para sa kanya, mas dapat pa rin daw mag-research sa background ng mga tumatakbo sa halalan. Kaya nga kahit si Sen. Bongbong Marcos ang nangunguna sa survey ng Pulse Asia sa vice presidential race ay hindi niya ito ibinoto. Para kay Congw. Leni Robredo ang kanyang boto.

Ayon kasi kay Bea, sa sarili niyang research, ang naturang Congw. ang karapat-dapat maging vice president ng ating bansa dahil napaka-down- to earth daw nito at malumanay.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …