Thursday , June 4 2026

Kagandahan ng Manalo sisters, pang-Guinness

SA tingin ko, puwede nang itala sa Guinness World Record ang success ng tatlong Manalo sisters na nakakuha ng titulo sa Binibining Pilipinas.

Unang naging beauty queen sa pamilya si Katherine Manalo, ang pinaka-ate na nanalong Bb. Pilipinas-World noong 2002. Seven years later, ang kapatid naman nitong si Bianca ang sumali sa Bb. Pilipinas at nagwagi bilang Bb. Pilipinas-Universe. And seven years later uli, ang kanilang bunsong si Nicole na sumali rin sa Bb. Pilipinas at nagwagi naman bilang Bb. Pilipinas-Globe.

Ang galing ng magkakapatid na Manalo. Bihirang-bihira ang ganyan, pang-Guinness talaga.

After her reign, naging artista kaagad si Bianca. ‘Di ko lang matandaan kung naging parte rin ba ng showbiz ang ate nitong si Katherine but for sure nagkaroon din siya ng exposure at itong si Nicole naman na siyang ipanlalaban natin  for Miss Globe, baka  magka-interes din na pasukin ang showbiz gaya ng kanyang ate Bianca.

Ang suwerte naman ng kanilang mga magulang. Talagang puro beauty queen ang mga anak.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …