SA tingin ko, puwede nang itala sa Guinness World Record ang success ng tatlong Manalo sisters na nakakuha ng titulo sa Binibining Pilipinas.
Unang naging beauty queen sa pamilya si Katherine Manalo, ang pinaka-ate na nanalong Bb. Pilipinas-World noong 2002. Seven years later, ang kapatid naman nitong si Bianca ang sumali sa Bb. Pilipinas at nagwagi bilang Bb. Pilipinas-Universe. And seven years later uli, ang kanilang bunsong si Nicole na sumali rin sa Bb. Pilipinas at nagwagi naman bilang Bb. Pilipinas-Globe.
Ang galing ng magkakapatid na Manalo. Bihirang-bihira ang ganyan, pang-Guinness talaga.
After her reign, naging artista kaagad si Bianca. ‘Di ko lang matandaan kung naging parte rin ba ng showbiz ang ate nitong si Katherine but for sure nagkaroon din siya ng exposure at itong si Nicole naman na siyang ipanlalaban natin for Miss Globe, baka magka-interes din na pasukin ang showbiz gaya ng kanyang ate Bianca.
Ang suwerte naman ng kanilang mga magulang. Talagang puro beauty queen ang mga anak.
MAKATAS – Timmy Basil