Thursday , June 4 2026

Daniel, nanawagan sa mga botante: kilalanin ang ating susuportahan (Artists for Mar, sinuportahan ng naglalakihang artista)

00 SHOWBIZ ms m“HUWAG po tayo masyadong matapang!” Paalala

ni Daniel Padilla sa publiko nang magsalita sa Artists for Mar event noong Martes ng hapon.

Aniya, para hindi makasakit, nararapat munang isipin ang mga sasabihin lalo na iyong mga nasa social media. “Make sure na alam natin yung sinasabi natin. Make sure na kaya natin i-back up ‘yung sinasabi natin.”

Isa lamang si Daniel sa mga artistang dumalo at nagbigay suporta sa kandidatura nina Mar Roxas para pangulo at Leni Robredo para ikalawang pangulo. Dumalo rin sa pagtitipong iyon sina Gary Valenciano at asawang si Angeli Pangilinan-Valenciano, Kathryn Bernardo, Karla Estrada, Jim Paredes, Karylle, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Jayda, Celeste Legaspi, Boboy Garovillo, Rufa Mae Quinto, Jay-R, Kris Lawrence, Alfred Vargas, Mother Lily Monteverde, Bernadette Allyson, Samantha Lopez, Martin del Rosario, Jay-R, Kris Lawrence, Jason Francisco at marami pang iba.

Sinabi pa ni Daniel na “‘Di naman puwede tayo salita nang salita and hindi mo naman alam nangyayari sa election. Marami kasi nagmamagaling sa eleksiyon, hindi naman botante, so shut up ka na, hindi ka naman botante.”

“Sa lahat ng mga bumoboto, ang gusto ko lang sabihin mas maging open-minded sa nangyayari at alamin anong nangyayari ngayong eleksiyon dahil napakalapit na. Ilang araw na lang. Kilalanin natin ‘yung susuportahan natin kung sino man, hindi pa huli ang lahat para magbago ang desisyon kung kanino man kayo, pero alamin natin ano nangyayari rito.”

Dumalo rin sa pagtitipon ang asawa ni Roxas na si Korina Sanchez na nagbigay din ng mahalagang mensahe kung bakit nararapat na iboto si Roxas.

Aniya, marami pa ang gustong makiisa sa nasabing pagtitipon hindi na nga lamang nakapunta dahil sa kawalan ng oras. Pinapurihan din niya ang mga ibinigay na mensahe ng KathNiel at ni Karylle na mas kilala pa raw nito ang kanyang asawang si Roxas dahil alam nito lahat ang bill na ginawa ng kanyang asawa.

Nagbigay din ng ilang rason si Korina kung bakit nga ba kailangang si Roxas ang iboto ng mga Filipino.

Aniya, marami ang naniniwala kay Roxas na napatunayan na noong kumandidato itong bise-presidente. “Sabi ko nga sa kanya (Roxas),you are also called into action by your president.Maraming tao ang magaling, maraming tao ang may magandang intensiyon, pero iilan lamang ang napipili para lumaban dahil mayroon kang sapat na lakas, sapat na karunungan, sapat na magandang motibo para dalhin mo ‘yan sa finish line, ikaw ‘yun. Kaya naniniwala sa iyo ang iyong pangulo kaya niniwala sa iyo ang iyong partido, ang milyong tao, paano kang hihindi.”

Sinabi naman ni Gary na sinusuportahan niya si Mar dahil naniniwala siyang si Roxas ang magpapatuloy ng pagbabago.

“I believe if Mar wins, would be one of the administrations that will continue that change for the better.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …