Mama Emma nasungkit Favorite Radio DJ sa RAWR Awards 2026

Mama Emma Juanita Baisa Barangay LSFM 97.1 LionhearTV RAWR Awards 2026

MATABIL
ni John Fontanilla

NANALO ng kanyang ikapitong award ang Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma o Juanita Baisa (sa totoong buhay), ito ay bilang 2026 Favorite Radio DJ sa LionhearTV RAWR Awards 2026.

Hindi nga makapaniwala si Mama Emma na mananalo siya dahil mabibigat na mga DJ mula sa iba’t ibang radio stations ang kalaban niya. 

Pinasalamatan nito ang lahat ng bumoto, nag-share, at ang mga taong laging sumusuporta sa kanya.

Post ni Mama Emma sa kanyang Facebook account: “ 🏆WE DID IT! MARAMING, MARAMING SALAMAT! ❤️

From the bottom of my heart, thank you so much sa bawat isa na naglaan ng oras para bumoto, nag-share, nanghikayat, at patuloy na sumuporta sa akin. Hindi ko man kayo maisa-isang pasalamatan, please know that every vote, every comment, and every effort meant so much to me.

Being named as the 2026 Favorite Radio DJ by LionhearTV is truly an honor. This recognition is not just mine; it’s also yours. Kayo ang naging bahagi ng journey na ito, at hinding-hindi ko iyon makakalimutan.

To my Barangay LS 97.1 family, maraming salamat sa walang sawang suporta at pagmamahal. At sa lahat ng aking listeners, supporters, friends, and family, this win is for all of us! 🥹

More than the award, I will always treasure the love and trust you’ve given me. Patuloy lang tayong maghatid ng saya, good vibes, at pagmamahal through the airwaves. Mapapakinggan niyo pa rin ako sa #ForeverRequest at sa #SongBook. 🥹❤️

Salamat, Ama. Para po ito sa inyo.. 🙏🏼”

Napakikingan si Mama Emma sa Barangay LSFM 97.1 sa mga programang Forever Request every Monday and Tuesday, 6:00 p.m. at SongBook every Saturday and Sunday, 6:00 a.m. kasama si Janna Chu Chu.