ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AFTER ng matagumpay na launching ng single ni Joyce Pilarsky na pinamagatang “Walang Imposible” composed by Vehnee Saturno na ginanap last month, ngayon naman ay isa siya sa tampok sa concert na “Stars Reignited 2” The MetroPop Star Search Reunion Concert.
Ang reunion concert na ito ay pangungunahan nina Miles Poblete, Anna Katrina Lara, Camille Velasco, Roxanne Barcelo, Faith Cuneta, Champagne Morales, at Xaxa Manalo, with the special participation ni Cye Soriano.
Ito ay magaganap sa Music Museum sa November 28, 2026, Saturday, 7pm. Directed ito ni Vivian Poblete Blancaflor at ang musical director naman ay si Elmer Brillantes Blancaflor.
Ipinahayag ni Ms. Joyce na ready na siya sa concert na ito sa Music Museum.
Ilan ang kakantahin niya rito at paano niya pinipili ang songs sa mga ganitong concert?
Tugon niya, “Ang kakantahin ko rito ay iyong single ko na Walang Imposible at saka Smile. Bale dalawa pa lang ‘yung may permiso na I can sing, kasi I can’t just sing anything, may mga copyright, e.”
Sa nauna naming panayam sa aktres, singer, movie producer, model, at fashion and jewellery designer, nabanggit ni Ms. Joyce na gusto niyang maging TV host or consultant about health and wellness and beauty.
Ngayon ay nagkaroon na ito ng katuparan dahil may show sila ni Ms. Grachel Suarez sa Euro TV, ang Elegante World, every Tuesday, 12:00 to 1:00 pm.
Kuwento ni Ms. Joyce, “Kay Grachel ‘yun, she invited me to join her dahil Elite Elegante grand winner kasi ako.”
Ano ang kanyang reaction na natupad ang wish niya?
“So happy of course, the Lord is good… continuous din ang TV guestings ko, Praise God!” Masayang sambit pa ni Ms. Joyce.
