Gerald open makipagtrabaho sa mga ex na sina Kim, Bea, Maja, at Julia

Gerald Anderson Kim Chiu Bea Alonzo Maja Salvador Julia Barretto

MA at PA
ni Rommel Placente

WALANG problema kay Gerald Anderson na makatrabaho muli ang kanyang mga ex na sina Kim Chiu, Bea Alonzo, Maja Salvador, at Julia Barretto.

Sabi ni Gerald, “I’m open sa lahat, basta ang lagi kong sinasabi maganda ang kuwento. May matututunan ‘yung audience natin. Hindi ko lang gagawin for the sake na mabuo lang ‘yung project. 

“Dapat maging responsable tayo sa mga pipiliin natin. At saka dapat ganahan din ako,” sabi pa ng aktor.

Samantala, nang mahingan ng reaksiyon si Gerald tungkol sa kasalukuyang legal na problema ni Kim kaugnay ng kasong isinampa nito laban sa kanyang kapatid na si Lakam, pinili ng aktor na huwag nang magkomento.


Ipagdarasal daw niya ito para maging okey ang lahat.

“Mahirap ‘yung sitwasyon. Walang panalo riyan. We just hope for the best para sa kanila. Mangyari ang dapat mangyari,”

aniya pa.

Kamakailan naman ay nasangkot sa gulo si Gerald nang maglaro siya ng basketball sa Cebu.
Sa video ay makikita ang tila pag-init ng sitwasyon sa kampo niya at sa erpat ni Anthony Constantino.

Sa viral clip, napansin na tila nagalit at lumapit si Gerald sa kabilang kampo.

Paglilinaw niya,”Hindi ako nagalit. Ganoon talaga ang basketball. Lagi kong sinasabi, like, physicality, the heat of the moment, the heat of the game, competitiveness, sobra. 

“Can you imagine, mga celebrity kami, pero sobrang competitive. ’Yun ang pinakagusto ko as a basketball player.”

Ano ba ang nangyari?

“Wala, just passionate members, ganoon lang kasimple,” sagot pa ng aktor.

Nakausap namin si Gerald sa renewal ng contract niya bilang brand partner ng Greenfield Tools, isang Filipino tool and equipment brand na ipinamamahagi ng Herco Trading Inc.

Ang naging tulay sa pagsasama ng aktor at ng brand ay ang reliability o pagiging maaasahan, isang katangiang mahalaga kapwa sa Greenfield at kay Gerald.

Para sa Greenfield Tools, ito ang mga kagamitang maaasahan sa trabaho, bahay, workshop, bukid at maging sa simpleng pagkukumpuni.

Ipinaliwanag ni Mr. Wayne Coherco, Vice President ng Herco Trading Inc. at Greenfield Tools, kung bakit si Gerald ang naisip nilang kunin bilang brand partner.

“Gerald reflects what we want people to think of when they think of Greenfield: dependable, determined, and ready when someone needs him.”

Ayon pa kay Coherco, whether nasa set, basketball court o tumutulong sa mga taong dumaranas ng pagsubok, ipinapakita ni Gerald ang kahandaang gawin kung ano ang kinakailangan.

Sinabi naman ni Gerald na sa pamamagitan ng partnership ay mas makakakonekta siya sa mga Filipinong araw-araw na gumagamit ng kanilang kamay sa pagtatrabaho.

“Greenfield is about having the right tool when you need to get something done. Maybe you’re a professional, maybe you’re a DIYer, maybe you just need to fix something at home. Either way, it makes a big difference to have something you can trust.”

Hindi lang iisang uri ng kagamitan ang hatid ng Greenfield Tools.

Kabilang sa kanilang produkto ang power tools, hand tools, generators, automotive products, outdoor at garden equipment, welding equipment, cleaning tools at iba pang machinery na maaaring gamitin ng professionals at DIY enthusiasts.

Ayon pa kay Coherco, iba’t iba man ang trabaho ng kanilang customers mula tradesmen, entrepreneurs, farmers, homeowners hanggang weekend DIYers, iisa ang kailangan ng mga ito: mga kagamitang maaasahan at hindi basta-basta bibigay.