Cine Panalo gabi ng parangal makabagbag damdamin

CPFF Chris Cahilig PM

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LABINGSIYAM na maiikling pelikula. Pitong mahahaba.

‘Yan ang idinulog sa mga manonood ng pelikulang Filipino na nagsimula noong Setyempre 24, 2026 at magtatapos sa Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18, Ayala Malls, Trinoma, at Market! Market!

Mga pelikulang nagpaiyak, nagpatawa, nagpa-isip, at nagbigay inspirasyon.

At pinarangalan na ang mga pinaka-mahuhusay sa ikatlong pagdaraos ng Puregold Cine Panalo Film Festival awards.

FULL-LENGTH

Pinakapanalong Mahabang Pelikula (Best Full-Length Film): “Mono No Aware”

Panalong Direktor (Best Director): BC Amporado, “Mono No Aware”

Panalong Kuwento (Best Story): Carl Joseph Papa, Yvonne Garcia, “Patay Gutom (Dead Hungry)”

Panalong Karangalan mula sa Hurado (Jury Award): “Apol of My Ai”

Panalo sa International Jury (International Jury Award): “Mono No Aware”

Puregold Always Panalo (Puregold Always Winner): “Patay Gutom”

Puregold Always Panalo (Puregold Always Winner): “Multwoh”

Panalo sa mga Manonood (Audience Award): “Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)”

Panalo sa Cinematography (Best Cinematography): TM Malones, “Mono No Aware”

Panalo sa Production Design (Best Production Design): Rodrigo Ricio, “Multwoh (Patay na Patay Sa’yo)”

Panalo sa Editing (Best Editing): Edmud Telmo, “Mono No Aware”

Panalo sa Visual Effects (Best Visual Effects): Patay Gutom Team, “Patay Gutom (Dead Hungry)”

Panalo sa Sound Design (Best Sound Design): Willie Apa Jr., “Mono No Aware”

Panalo sa Musical Scoring (Best Musical Scoring): Emerzon Texon, “Apol of My Ai”

Panalong Awitin (Best Song): “Reyna ng QC”, “Stuck on You”

Panalong Ensemble (Best Ensemble): “Mono No Aware”

Panalong Aktor (Best Actor): Juan Karlos Labajo, “Mono No Aware”

Panalong Aktres (Best Actress): Xyriel Manabat, “Stuck on You”

Panalong Pangalawang Aktor (Best Supporting Actor): Zanjoe Marudo, “Apol of My Ai”

Panalong Pangalawang Aktres (Best Supporting Actress): Momoko Kobayashi, “Mono No Aware”

Panalong Child Performer (Best Child Performer): Zion Cruz, “Apol of My Ai”

STUDENT SHORTS

Pinakapanalong Maikling Pelikula (Best Short Film): “Limlim”

Panalong Karangalan mula sa Hurado (Jury Award): “Kung Hain, Bisan Diin”

Panalo sa International Jury (International Jury Award): “Alumahan”

Puregold Always Panalo (Puregold Always Winner): “Miss Intrams”

Puregold Always Panalo (Puregold Always Winner): “Pulis Dunggab”

Panalo sa mga Manonood (Audience Award): “Ang Huling Banlaw ni Susan”

Pinakapanalong Maikling Pelikula (Best Short Film): “The Other Side of Reality”

Akala namin, sa mga pelikulang ito lang kami maiiyak, tatawa, magiging inspirado, mapapaisip.

Sa mismong gabi ng parangal, mas marami pang makabagbag damdamin na istorya ang aming narinig mula sa bibig ng mga nagsipagwagi.

Ang bida sa Sound of K na hindi inakalang magkakaroon ng puwang sa ganitong plataporma ay makapagbibigay ilaw sa mga gaya niyang may suliranin sa kanyang cleft palate.

Ang naglahad ng istorya ng Limlim pati ang bidang gumanap ay nagkaroon ng boses para sa kababaihang nagiging biktima ng pang-aabuso. Mas naipa-intindi sa pelikula ang temang umikot sa aborsyon.

Ang batang si Zion Cruz na nagwagi para sa Apol of my Ai, nagulat nang malamang may kapangalan siyang batang artista rin. At pinalakas naman ng pagkaka-nomina niya (at pananalo!) ang loob niya na magpapatuloy na sa karerang niyakap sa industriya.

Wala man sa gabi ng parangal ang Best Actor na si Juan Karlos (JK) Labajo, very proud sa kanya ang cast and crew ng proyektong sinugalan din ng mga producer mula sa Land of the Rising Sun—Japan.

Simula na ito para umingay ang Cine Panalo sa mga rehiyon sa bansa. Dahil sa mga taga-Mindanao (Miss Intrams) at taga-Cebu para lalo pang mahikayat ang mga bagong gagawa ng pelikula na salihan ito.

Nakaktutuwa na ang isang film festival na gaya ng sinimulan ng festival director nito na si Chris Cahilig ay pumapalo na sa isip at puso ng manonood.

Kaya napakalaki ng pasasalamat ni Chris sa Puregold mula sa Presidente at CEO nito na si Vincent Go.  Dahil laging panalo ang bawat araw ng panonood sa mga pelikula. Sa pagmamahal nila sa mga manonood. Na may bitbit pa sa pag-uwi nilang mga regalo.

May nag-uwi ng mga bagong modelong camera sa mga nagwagi. Bukod pa sa mga nakakuha ng P100K at P250K (na nakuha ni Zig Dulay sa kanyang Panorama entry).

Tutok si Sir Chris sa Cine Panalo.

At ang bagong aabangan pa pagdating naman ng Nobyembre ay ang kanyang Theater Festival. 

Plano sana nito na saglit na mag-bakasyon sa Europa ngayong Oktubre.

“I don’t want to miss the awards night I am attending.” 

One after the other nga raw, meeting are pouring in for more and more ventures.

Pagmamahal sa pelikula ang sandata niya. Sa paniniwalang ang sining in whatever form ay tunay na isang mahalagang paraan para lalo pang lumawig ito.