DALAWANG malalaking organisasyon ng mgatsuper at operatorsang maglulunsad ng tigil-pasada na nauna nang inianunsiyo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa 29-30 Setyembre.
Magkakasa rin ng tigil pasada ang transport group na MANIBELA sa nasabing petsa bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay MANIBELA chairman Mar Valbuena, panawagan nila ang pagbaba ng presyo ng krudo, dagdag-pasahe para sa mga tsuper at operator, at pagtanggal ng excise tax at VAT sa produktong petrolyo.
Hiniling din nila ang agarang pagkilos ng pamahalaan laban sa sunod-sunod na oil price hikes.
Pahayag ni Valbuena, lumiit na ang kinikita ng mga tsuper at operator dahil sa mataas na presyo ng diesel, habang patuloy na tumataas ang gastos sa pasada.
Aniya, hindi sapat ang pansamantalang ayuda o fuel subsidy kung hindi matutugunan ang ugat ng problema.
Nanindigan ang MANIBELA na hindi maaaring patuloy na pasanin ng mga tsuper at operator ang epekto ng mataas na presyo ng krudo habang hindi naiaakma ang pasahe sa tumataas na gastos.
