MA at PA
ni Rommel Placente
TINANONG si Fyang Smith ng kanyang faney kung sino sa mga artistang babae ang pinagseselosan niya kay JM Ibarra?
Ang sagot niya,”Ako, personally talaga, wala.
“Kasi hindi siya gumagawa ng way na ikakaselos ko.
“Never niyang pinaramdam sa akin na kaselos-selos itong babaeng ito.”
Dagdag pa ni Fyang, walang dahilan para magselos siya sa ibang babae dahil aniya, “Maganda rin kasi talaga ako eh, kahit anong gawin.”
Samantala, kinuha ang reaksiyon ni Fyang sa sinabi ng isang basher niya na umano’y bobita siya, talentless, at magaspang ang ugali.
“Sa pagkabobita, siyempre minsan tanggap na rin ‘yan.
“Kumbaga tayo, tanggapan na lang talaga.
“Kasi ‘yung nag-comment na ‘yan, feeling ko bobita rin siya,” natatawang sabi pa ni Fyang.
“’Yung talentless, hindi ako talentless, sumasayaw nga ako. May album nga ako, Hello.
“’Yung magaspang ang ugali, sometimes kapag may mga ganitong klase ng tao lang,” aniya pa.
