VivaOke

I-FLEX
ni Jun Nardo

IDINAGDAG sa apps ng Viva ang VivaOke para sa ating mga Pinoy na mahilig sa videoke!

Sa launching ng app na dinaluhan ng ilang Viva artists like Astine Olviga, Amiel Sol at iba pa, ang Filipino pastime na pagkanta, puwedeng sing along, record their performances, at save their karaoke sessions sa kanilang phone at iba pang devices.

Magkatuwang ang Viva Communications at Viva Music Group sa paghahatid ng Filipino songs sa affordable subscription sa halagang P99.00 a month at yearly subscription na P949.00.

Puwede ninyo i-downlod ang app sa inyong phone at TV sets at magsawa kayo sa kakanta with VivaOke kahit saan man kayo magpunta.

Panalo ang Viva Communications sa Viva Oke!