WALONG pasahero lang ng MV June Aster ang sinabing hindi pa natatagpuan o nawawala matapos itong masunog habang naglalayag patungong Coron, Palawan nitong 9 Setyembre 2026.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, natuklasan nilang ang apat na pasaherong nakalista sa ticket manifest ay hindi nakasakakay sa barko nang umalis ito patungong Coron mula sa Baseco port nitong Martes, 8 Setyembre.
Nabatid na ang naturang ulat ay natanggap ng Coron Emergency Operations Center nitong Martes ng gabi.
Nakompirma ng PCG ang impormasyon sa isinagawang beripikasyon.
“Based on the verification, three of the four individuals said they had intended to book tickets from Coron to Manila but mistakenly booked the opposite route, from Manila to Coron,” ani Cayabyab.
Una nang kinompirma ng PCG na may dalawang pasahero na nakalista sa manifesto ang hindi rin nakasakay ng barko.
Sa pinakahuling datos, nasa 128 ang mga taong lulan ng barko nang masunog ito noong 9 Setyembre sa karagatang sakop ng Coron.
Sa nasabing bilang, 77 ang kompirmadong patay habang 43 ang nakaligtas, kabilang ang kapitan ng barko.
