Nikki Valdez iniyakan ang matinding heartbreak? 

Nikki Valdez The Art of Breaking Up

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PAGTANGGAP sa sakit at pagkatuto sa karanasan ang madaling paaraan sa paglimot. Ito ang pinakamahalagang payong ibinigay ni Nikki Valdez nang hingan ito ng komento ukol sa pagtatapos ng isang relasyon o pagkabigo.

May kaugnayan sa pag-ibig ang itinanong kay Nikki sa Star Magic Spotlight press conference kamakailan na isinagawa sa 13th Flr ng ABS-CBN bilang bahagi siya ng Teatro Kapamilya’s stage playThe Art of Breaking Up.

Hindi lahat ng paghihiwalay ay nagtatapos sa iyakan o sama ng loob. Kung minsan, napagkakasunduang kailangang tapusin ang isang relasyon kung hindi na nagkakasundo, nawawala ang pagmamahal o may mga problemang dumarating.

Dati noong hindi pa ako masyadong natututo sa mga break-up ko, I would think that jumping to the next relationship would be the best answer. Akala ko the next person would make me happy,” pagbabahagi ni Nikki tungkol sa pagbangon mula sa isang hiwalayan.

I have to thank ‘yung pain na naranasan ko from my past relationship because ang dami niyang itinuro sa akin, and I wouldn’t be the strong person now kung hindi ko naranasan ‘yung mga ‘yun,” sabi pa ni Nikki sa pagbabalik-tanaw sa kanyang mga nakaraang relasyon at sa mga aral na natutunan niya mula sa mga ito.

Para sa aktres, ang mga karanasan ang pinakamahalagang pangyayari o susi sa kung sino siya ngayon bilang isang ina at asawa.

Sinabi pa nito na ang pagtanggap sa kabiguan at pagkatuto mula sa karanasan ay susi sa paghilom mula sa pagkabigo sa pag-ibig.

Allow the pain first, acknowledge it. Allow your journey na maranasan ‘yun, lahat ‘yun and then learn from it kasi wala naman ibang makatutulong sa ‘yo kundi ang sarili mo,” esplika pa ni Nikki na gumaganap bilang Lou sa 

The Art of Breaking Up

Kasama ni Nikki sa play sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Yen Santos, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, at Ruby Ruiz.

Kasama rin sina Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison.

Ang The Art of Breaking Up ay isinulat ni George de Jesus III at ididirehe ni Dudz Teraña, na mapapanood simula November 6 hanggang December 6, 2026, sa PETA Theater Center.

Handog ito ng ABS-CBN Teatro Kapamilya ar PETA Plus.