Bam Aquino kinilala si Lea Salonga bilang unang Filipina na binigyan ng Hollywood Walk of Fame star

Lea Salonga Bam Aquino

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez


NAGHAIN si Senador Bam Aquino ng resolusyon na nagbibigay parangal kay world-renowned Filipino artist Lea Salonga matapos maging kauna-unahang Filipina na nabigyan ng star sa Hollywood Walk of Fame.

Sa kanyang Senate Resolution No. 637, inilarawan ni Sen. Bam ang tagumpay ni Lea bilang isang karangalan para sa Pilipinas at patunay sa kahusayan ng mga talentong Filipino sa pandaigdigang entablado.

Pormal na pinarangalan si Lea at iginawad ang kanyang star noong Setyembre 4, 2026, sa Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California.

Lea Salonga’s induction into the Hollywood Walk of Fame marked a significant milestone for the Philippines, proving the integral place of Filipino talent in the global stage and eternalizing the legacy of Philippine music and culture among the world’s best,” ani Sen. Bam.

Sinabi ng Senador na pinatunayan ni Lea ang kanyang titulo bilang “Pride of the Philippines” sa pamamagitan ng kahusayan sa pinakamalalaking entablado ng teatro at sine, na nagsimula sa kanyang stage debut sa Philippine production ng The King and I sa edad na pito.

She went on to establish herself as an internationally acclaimed theater performer, most notably through her landmark performances as Kim in ‘Miss Saigon’ and in ‘Les Misérables’ on the West End and Broadway,” wika pa ng senador.

Ang pagganap ni Lea bilang Kim sa Miss Saigon ay nagbigay ng maraming prestihiyosong parangal, kabilang ang Laurence Olivier Award for Outstanding Performance of the Year by an Actress in a Musical.

Si Lea rin ang naging kauna-unahang Asian actress na nagwagi ng Tony Award for Best Performance by a Leading Actress in a Musical, habang tumanggap din siya ng Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Awards.

Pinahanga rin ni Lea ang milyon-milyong tao nang magsilbi siyang singing voice ni Princess Jasmine sa Aladdin at ni Fa Mulan sa Mulan.

Bukod sa kanyang mga tagumpay sa pandaigdigang entablado, nag-iwan din si Lea ng malaking marka sa lokal na industriya ng entertainment. Kabilang siya sa mga artistang may pinakamaraming natanggap na parangal sa kasaysayan ng Aliw Awards, na may 15 panalo mula sa 18 nominasyon.

Tumanggap din siya ng pagkilala mula sa FAMAS Awards, Presidential Merit Award noong 1990, Golden Artist Award noong 2005, Orden ni Lakandula, at Congressional Medal of Achievement noong 2007.


More than her artistic achievements, the Senate recognized Salonga for using her global platform to promote messages of love, acceptance, goodwill and respect for diversity. She has served as an ambassador for the United Nations Food and Agriculture Organization and has been a strong advocate for women’s rights and diversity,” giit ni Sen. Bam.

Lea Salonga’s journey from a local artist to a global icon embodies the potential of the Philippine creative industries to empower homegrown talent to aspire to compete on the world stage, represent Filipino culture and identity, and serve as role models who uplift communities through messages of hope and positivity,” dagdag pa niya.

Bilang masugid na tagasuporta ng mga talentong Filipino at ng creative industry ng bansa, naghain din si Sen. Bam ng mga resolusyon na kumikilala sa P-pop group na SB19 at Nation’s Girl Group na BINI matapos maabot ng mga ito ang mga bagong milestone at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal sa Lollapalooza at Coachella Valley Music and Arts Festival, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa five-point agenda ni Sen. Bam bilang chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship ang pagpapalakas sa creative economy ng bansa, kabilang ang pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga Filipino artist, creator, filmmaker, designer at iba pang creative professional sa pandaigdigang larangan.

Bilang bahagi ng agenda na ito, layunin niyang magtatag ng isang ahensiya ng pamahalaan na nakatuon sa pagsuporta at pagtataguyod sa creative industries ng bansa, na katulad ng Korea Creative Content Agency (KOCCA) ng South Korea.