SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
WALANG AI (artificial intelligence) generated sa concert. Ito ang iginiit ni Mr Pure Energy Gary Valenciano sa presscon niya noong Lunes sa Mango Tree Cafe Greenhills para sa Back At The Museum concert na magaganap tuwing Huwebes at Sabado sa loob ng 10 gabi ng Oktubre sa Music Museum.
Ani Gary walang kahit anong AI generated ang kanyang concert nang matanong ukol sa AI.
“There’s not gonna be anything AI in it. Everything you will see onscreen and you will hear on the stage will be exactly as what it is,” paglilinaw ni Mr Pure Energy.
Aminado si Gary na maraming nagagawa ang AI at malaking bagay sa technology subalit nakababawas ito ng creativity.
“It’s a tool and you can make something out of it and you can create something out of it.
“But it can also serve as a tool that can diminish your own gift of being creative,” aniya pa.
Hindi naman ikinaila ni Gary na medyo bilib siya sa mga nagagawa ng AI. Naaliw pa nga siya nang makitang may AI-generated video rin siya.
“So, it’s an idea but you did not creatively put it together. You just contributed an idea.
“I even have an AI rendition of ‘Sana Maulit Muli’ but it’s a monkey. It’s hilarious,” anang OPM Icon.
“Maybe that kind of rendering na pampatawa, okay lang,” aniya.
Pero ibang usapan, ani Gary kapag kinukuha na ang kanta ng isang artist at ginagaya.
“’Yung mga iba kasi, I think some people are earning out of it where they get your song, they get the singer to sound a little bit like you or they purposely try to make it sound better,” sabi pa ng magaling na singer.
Sa kabilang banda, hindi naman nag-aalala si Gary na makokopya o mapapalitan siya.
Katwiran ni Gary, hinding-hindi magagawa ng AI ang mag-perform nang live tulad ng ginagawa nila.
Samantala, ang Back At The Museum, ay gagawin tuwing Thursdays at Saturdays for 10 nights ng October (1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 at 31) sa Music Museum.
Favorite ni Gary ang Music Museum dahil mas ramdam niya ang crowd. Kumbaga eh kaunti ang barriers sa artist at audience, kaya mas madaling makipag-interact, mas personal ang bawat kuwento, at spontaneous ang experience ng mga nanonood.
Naibahag rin ni Gary V na espesyal ang 2026 dahil isa ito sa highlights ng 40th anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., na nakasama ng OPM icon sa kanyang journey throughout his career.
Bago pa man ang upcoming concert series na ito, nakapag-perform na si Gary ng 103 shows sa Music Museum — isang matibay na partnership na nabuo sa musika, hard work, constant reinvention at shared pursuit of excellence.
Pero sa likod ng lahat ng milestones na ito, may isang bagay na para kay Gary ay mas mahalaga kaysa mga numero.
Throughout his career, nanatiling anchor ni Gary ang kanyang faith in God. Ito ang gumagabay sa paraan ng pagharap niya sa kanyang music, purpose at maging sa challenges na kasama ng buhay sa spotlight.
Para kay Gary, ang patuloy niyang kakayahang lumikha, mag-perform, at makaabot sa puso ng mga tao matapos ang mahigit apat na dekada ay isang patunay ng God’s grace — at dahilan para patuloy niyang ibigay ang kanyang very best.
Ito ang spirit na nasa puso ng Back At The Museum.
Unlike sa massive arenas na ginawa ni Gary ang ilan sa pinakamalalaking productions ng kanyang career, may kakaibang charm ang Music Museum: close proximity.
Following the successful 2023 run ng Back At The Museum, dumarating ang bagong edition na ito sa isa na namang meaningful point sa journey ni Gary.
Tinapos ng kanyang six-show Pure Energy: One Last Time concert series ang chapter ng kanyang solo concerts na ganoon kalaki ang scale — pero tiyak na hindi nito tinapos ang chapter ng kanyang pagpe-perform.
Pagkatapos nito, dinala ni Gary ang kanyang music sa Australia, New Zealand, at United States, na nakasama niya ang Filipino communities overseas sa performances na hindi lamang entertainment kundi puno rin ng inspiration at encouragement na matagal nang bahagi ng kanyang calling bilang artist.
Patuloy din ang kanyang creative journey sa iba’t ibang paraan.
Recently, nag-record si Gary ng bagong version ng kanyang classic na Babalik Ka Rin, arranged by Homer Flores, para sa remittance company na Sendwave. Binigyan nito ng fresh emotional resonance ang isang kantang matagal nang malapit sa puso ng generations of Overseas Filipinos.
Pumasok din siya sa bagong medium sa pamamagitan ng Unshaken With Gary V, ang kanyang iHeartRadio podcast na tampok ang heartfelt conversations kasama ang personalities tulad nina Martin Nievera, Toni Gonzaga, Michael V, Coco Martin at Julia Montes, Kim Atienza, Paolo Valenciano, Gab Valenciano, Kiana Valenciano at former Chief Justice CJ Sereno, among many other fascinating personalities.
Kinilala rin ang kanyang contribution sa Philippine music ng National Commission for Culture and the Arts sa pamamagitan ng SUDI National Music Awards, na nagbibigay-pugay sa mga artist na ang kanilang trabaho ay nagkaroon ng lasting contribution sa Filipino music and culture.
Kapag pinagsama-sama, ang mga milestone na ito ay nagsasabi ng isang kuwentong higit pa sa longevity.
Ipinakikita nito ang isang artist na patuloy na tsina-challenge ang sarili, bukas sa mga bagong paraan para makakonekta sa mga tao, at patuloy na hinahabol ang excellence gamit ang parehong passion na nagsimula sa kanyang journey mahigit apat na dekada na ang nakalipas.
At ngayon, ibinabalik ng journey na iyon si Gary sa Music Museum.
Directed by Paolo Valenciano, with Mon Faustino as musical director, nangangako ang Back At The Museum ng 10 evenings na ang spectacle ay hindi manggagaling sa laki ng production kundi sa kakaibang experience na mapanood at maranasan ang isang Gary V ng remarkably close.
Mas magiging special pa ang run na ito dahil makakasama ni Gary bilang special guest ang singer-songwriter na si Kakie, formerly known professionally as Frankie Pangilinan, opo ang anak ni Sharon Cuneta.
The songs. The stories. The movement. Ang unmistakable Pure Energy.
Pero higit sa lahat, ang connection.
Dahil matapos ang mahigit apat na dekada, patuloy na ipinakikita ni Gary na ang excellence ay hindi lamang nasusukat sa kung gaano na kalayo ang iyong narating.
Ito ay tungkol sa patuloy na pagbibigay ng iyong best, pananatiling tapat sa iyong purpose, at paggamit ng mga regalong ipinagkaloob sa iyo para makapagbigay-inspirasyon sa iba.
Ang Back At The Museum ay for the benefit of the Shining Light Foundation.
Ang tickets ay nagkakahalaga ng ₱10,000, ₱7,500, ₱5,000, ₱3,000 at ₱1,500.
Para sa tickets, bisitahin ang premier.ticketworld.com.ph o mag-email sa [email protected] at [email protected].
For inquiries, tumawag sa 0999-954-5922 o 0917-550-6997.
