Movie ng KimPau llamado na sa MMFF 

Kim Chui Paulo Avelino A Perfect Marriage KimPau

I-FLEX
ni Jun Nardo

SEPTEMBER na Hataw readers! Kanya-kanyang countdown na before Christmas!

Kahit may bagyo, habagat, at probinsiya na binabaha, walang puwedeng pumigil sa Pasko.

Kahit sa showbiz, inaabangan din ang Pasko kahit sinasabing mahirap ang buhay. Christmas only happens once a year kaya atin itong ipagdiwang ng masaya at makabuluhan.

Ang yearly Metro Manila Film Festival tuwing December ang inaabangan ng lahat. May apat pang official entries na hinihintay na magiging kalahok.

At llamado na riyan ang pagpili based sa finished product tulad ng The Perfect Marriage ng Quantum Films lalo’t may pruweba na sa mga isinulat ang writer nito na si Chris Martinez at sa director na si Dan Villegas.

Idagdag pa na ang mga bida sa movie ay sina Kim Chui at Paulo Avelino.

Wala nang hahanapin pa ang isang de kalidad na pelikula.