Sa Pampanga
327 Barangays sinalanta ng baha 17,000 plus residente inilikas

Pampanga

PATULOY na sinasalanta ng epekto ng malawakang pagbaha ang maraming komunidad sa lalawigan ng Pampanga sa panahon na walang tigil ang pag-ulan at pag-apaw ng tubig mula sa mga ilog.

Sa nakalap na ulat ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 327 barangay sa 20 munisipalidad at lungsod ang apektado ng pagbaha.

Higit sa 17,000 indibiduwal ang inilikas mula sa kanilang mga tirahan habang patuloy na nagsasagawa ng rescue and evacuation operations sa mga komunidad na apektado ng patuloy na paglalaim ng baha.

Samantala, mabigat pa rin ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), na nagdudulot ng pagkaantala sa paghahatid ng mga supply sa Pampanga at iba pang mga lugar sa Hilagang Luzon.