Ashley Lopez itatampok mga eksena sa mga pinag-usapan at umingay na VMX films

Ashley Lopez

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA pang bagong aabangan ay ang Masarap na Bawal sa VMX.

Mas nakatutukso kapag hindi puwede, mas nakaaakit kapag kailangang pigilan, mas masarap kapag bawal…

Abangan sa VMX ang isang special feature na tampok ang mga pelikulang puno ng intriga at mapusok ang mga istorya. Masarap na Bawal, ngayong September 1 na sa VMX!

Mga kuwento tungkol sa bawal na pag-ibig, eskandalo, pagtataksil, pagiging sex worker, open

relationships, at same-sex partners-– ilan lamang ito sa matatapang at walang takot na mga kuwentong tampok sa mga pelikulang mapapanood sa VMX.

Lahat ’yan ang babalikan at sasariwain. Mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo at hosted by Ashley Lopez, tampok sa special feature na ito ang mga eksena mula sa

mga pinag-usapan at umingay na VMX films, ang Selina’s Gold, Scandal Queen, Teacher’s Pet,

Call Me Alma, Boss Ma’am, Nurse Abi, Sugar Mommy, at Palitan 2.