MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang episode ng KC After Hours” natanong si Angeline Quinto kung dumating na ba siya sa punto ng life niya na tila madilim ang lahat na nais na niyang sumuko.
“Kasi ngayon, nakikita ka namin you’re so successful. You’ve come to your own.
“Kilalang-kilala mo na ‘yong sarili mo with the confidence you exude, pero nagkaroon ba ng panahon na madilim? Gusto mong sumuko?” ang tanong sa kanya ng Kapamilya broadcast journalist na si Karmina Constantino.
“’Yung pinakamabigat pong nangyari sa buhay ko ‘yung mawala ang Mama. Noong November, 2020,” pag-amin ng singer.
“Kasi po noong taon na ‘yan nag-pandemic. Halos walang mga trabaho. Then kasabay din po rin ng 2020 eh, nag-shut down ang network namin (ABS-CBN). Then bago matapos ang taon, nawala ang Mama,” aniya pa.
Ang feeling niya, parang wala nang kabuluhan ang mga pinaghirapan niya nang mamatay ang kanyang ina, “Sabi ko, ano pang dahilan ko para kumanta?
“Kasi noong nawala ang mama, parang lahat po ng kinakanta ko parang wala nang meaning. Hindi ko nararamdaman,” saad pa niya.
Ngunit naramdaman at napagtanto rin ni Angeline na ang magagandang alaalang iniwan ng kanyang Mama Bob ang nag-motivate sa kanya na ipagpatuloy ang buhay.
Sey pa ni Angge, hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin siya ni Mama Bob , pati na ang sarili niyang pamilya.
