RATED R
ni Rommel Gonzales
NASA mediacon na ipinatawag ng Viva Films para sa pelikulang The Guardian sina Wilbert Ross at Eric Ejercito gayundin sina Wesley Villarica ng Parallax Studio, Inc. at Micah Fernandez ng Robosheep Studios na mga producer ng pelikula kasama ang Noori Pictures.
Dito sa Pilipinas kinunan ang pelikula at naikuwento ni Wesley ang mahal na singil sa isang barangay.
Naikukompara tuloy nila kung paano sumuporta ang South Korea sa mga pelikula.
Nakita raw ng South Korean producers, actors, at mga staff ang ganitong sistema sa ating bansa.
“They are aware of it, and they’re quite shocked because, you know, in Korea naman, it’s a blanket permit,” kuwento ni Wesley.
“And anywhere in Korea, you can shut down a busy thoroughfare like in the middle of the day, pero kailangan mo i-timing na, ‘O sige, you have one hour to shoot or 15 minutes to shoot a sequence over here.’ Kaya nilang i-time ‘yun.
“Tapos the cost? Ten thousand pesos (P10,00). Ganoon lang!
“Kailangan mo lang ipaalam sa mga Korean.
“Why can’t we have that here? I love to have that here. I think it would be advantageous to the Filipino film industry to have that kind of system and support over here.”
Lahad naman ni Wilbert, “Kasi po sa Korean kasi, ‘di ba, sobrang kitang-kitang, ‘di ba, nagbibigay talaga sila ng support, kahit monetary para sa mga filmmaker. They really support the film.
“Ayun kasi, nakikita ko ngayon, laging reklamo ng mga tao sa social media na paano susuportahan ang mga Filipino film, eh, ang papangit, ganoon po.
“Ang daming reklamo, eh. It boils down kasi parang… alam naman natin na talented talaga ang mga Filipino kung bibigyan lang talaga ng right projects.
“Marami tayong mga scriptwriter na magagaling. So ‘yun ‘yun… medyo naaano lang talaga sa budgeting.
“So, ‘yun lang talaga, eh. ‘Pag the moment na ‘yung budget mo, bitin na, parang maliit, kahit gaano kagaling ‘yung crew, ‘yung artista, ‘yung ano…ano lang.
“Parang the chances are… parang ano siya, eh, diskarte. Parang hindi naman puwedeng lagi na lang didiskartehan na lang ng direktor paano mapaganda with this budget.
“Hindi natin masisisi ‘yung mga producer, kasi ‘yun nga, mahirap dito sa Pilipinas.
“The only thing siguro na if ever, kung mayroon lang talaga support from government, eh, sana mas maganda sana ‘yung kalalabasan or kung may suporta sa government, puwede sigurong babaan ‘yung ticket price para maging masa ulit ‘yung cinemas.”
Mga bida ang mga Korean star na sina Nam Woo Hyun, Han Jae Syok, at Park Eun Hye sa The Guardian.
May mga Pinoy actor din sa pelikula tulad nina Yassi Pressman, Joko Diaz, Jeric Raval, at Ashtine Olviga.
