RATED R
ni Rommel Gonzales
SA report ni Nelson Canlas sa 24 Oras kamakailan, inihayag ng mga host ng Pinoy Big Brother na sina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez ang excitement nila para sa paparating na Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Lahad ni Gabbi, “First time akong makaka-experience ng regular season na ordinaryong Filipino ang sasali.
“Excited ako sa mga twist, mga revelation. Iba kasi kapag regular housemates, talagang no filter.”
Ang bagong Bahay Ni Kuya naman ang inaabangan ni Bianca. “Lahat tayo nag-goodbye na sa iconic house na mayroon tayo for 21 years. So we still don’t know kung anong hitsura, saan.”
May mga payo naman ang mga dating PBB housemates na sina Will Ashley, Mika Salamanca, at Lella Ford para sa mga gustong pumasok sa Bahay ni Kuya.
“Just be yourself. Huwag kang gumawa ng istorya na hindi totoo, huwag kang magsinungaling. Maging ikaw lang, ikuwento mo ‘yung talambuhay mo, ‘yung totoo para consistent ka,” pahayag ni Will.
Enjoy-in ang loob ng bahay ni Kuya at huwag isipin ang nangyayari sa labas o outside world ang payo ni Mika sa mga magiging bagong housemates at sinabi naman ni Lella na maging mabuti araw-araw sa loob ng bahay ni Kuya.
Kung sa naunang dalawang Collab season na puro mga celebrity ang mga housemate, ngayon ay may pagkakataon na ang mga ordinaryong Filipino na makapasok sa sikat na bahay ni Kuya.
May auditions para sa mga ordinaryong mamamayan mula sa iba’t ibang sulok ng mundo para mapabilang sa panibagong batch ng mga housemate sa Bahay ni Kuya.
Ang auditions ay para sa lahat ng Pinoy saan man sa mundo, na ages 18 to 35.
Kailangang mag-upload ng mga gustong sumali ng isang minutong video upang ipakilala ang kanilang sarili at ipaliwanag kung bakit karapat-dapat silang maging housemate sa Pinoy Big Brother.
Ang audition period ay hanggang Agosto 31.
Sina Mika at Brent Manalo ang naging first-ever Big Winner duo sa unang PBB Celebrity Collab Edition habang sina Lella at Caprice Cayetano ang naging Big Winners sa season 2.
