Metropop divas muling magpapakitang gilas sa Stars Reignite concert

Stars Reignite Metropop Star Search

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KITANG-KITA ang saya at excitement sa mga female alumni ng Metropop Star Search sa muli nilang pagsasama-sama. Mangyayari ito sa Stars Reignite

concert na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City sa September 5, 2026.

Ang Metropop Star Search ay dating singing competition na ipinalalabas noon sa GMA Network.

Mapapanood sa Stars Reignite concert sina Faith Cuneta (1997 2nd place), Champagne Morales (1998 champion), Roxanne Barcelo (1998 2nd place), Xaxa Manalo (1998 third place), Miles Poblete (1999 champion) Anna Katrina Lara (2000 champion), at Camille Velasco (2000 2nd place). Makakasama rin sa concert si Cye Soriano.

Masayang ibinahagi ng grupo kung paano nabuo ang idea ng reunion concert.

Ani Miles, nabuo ang idea ng reunion concert nang mag-guest sila sa Family Feud.

Sa bahay ni Xaxa, pinanood namin. ‘Tapos, usap-usap, ‘Magkakasama na rin naman tayo, bakit ‘di kaya gumawa na rin tayo ng show?’ Tinanong ko sila kasi, sayang ang opportunity. Nagkatuwaan lang, napag-usapan lang, ‘Ano game kayo?’ Sabi nila, ‘Game!’ So from there, humingi na ako ng tulong kay Cye Soriano,” pagbabahagi ni Miles.

Actually bago pa man nabuo ang konseptong pagsasama-sama, ayon kay Cye ay napag-uusapan na nila ni Miles na gumawa ng show ang mg Metropop Star Search winners. 

Isa si Cye sa mga naging konek para mahanap ang iba sa grupo. 

Sa totoo lang magaganda pa rin ang mga boses ng mga ito nang mahilingan silang muling iparinig ang kani-kanilang winning piece. Hindi naman pala kasi nawala ang passion nila for music kaya until now eh palaban pa rin ang kanilang mga tinig.

Si Faith bagamat hindi na ganoon kadalas napapanood ay hindi tumigil sa pagkanta.

I never stopped singing namanSo the fire is still with me, nandito lang. Kapag may chance na kumanta, kumakanta ako. I have songs sa Spotify and may plans pa rin doing new songs. Wala akong ibang career except singing. So, I’ll never stop singing until I have voice, pagbabahagi ni Faith.

Si Xaxa bagamat piloto na, aminado itong hindi nawawala anf musika sa kanyang sarili.

Even nasa airline industry na ako, I still find time to entertain ‘yung sarili ko. I have a lot of instruments sa bahay, kompleto. I have piano, guitar, drums. From time to time, nagka-karaoke, andoon pa rin ang love for music.”

Si Miles din ay hindi tumigil sa pagkanta. Naging bahagi siya ng bandang Hotdog. “Wala lang ako sa mainstream, pero tuloy-tuloy pa rin ang pagkanta ko.”

Nasa marketing ng cruise naman si Champagne.  Subalit hindi pa rin niya inaalis ang pagsusulat ng mga kanta kapag may pagkakataon. “I’m selling the cruises,” natatawang wika nito. “Pero kapag nasa barko na, siyempre, nagka-karaoke pa rin.”

Nasa corporate woels naman si Anna Katrina pero aktibo siyang sumasali sa mga battle of the bands. “Sa bahay po, videoke, hindi mawawala ‘yan every weekend with the family. Hindi po talaga nawala kahit nag-iba kami ng [career].

Aminado rin si Camille na never nawala ang pagmamahal niya sa musika. “Siguro ang kaibahan lang ay kumakanta ako sa anak ko sa pagtulog, kapag nagsa-shower. I don’t think nawala ‘yan sa amin that’s why it’s easy for us to do this project kasi it’s in our blood. I think, us Filipinos, nasa atin po ‘yan kahit saan tayo pumunta.”

Nag-corporate rin si Cye  after ng kanyang The Voice Teens class. “Professionally lang naman, but I never stopped singing even in the office.“

Sa kabilang banda, iginiit ng grupo na ang muli nilang pagsasama ay puno lamang ng saya, respeto, at pagkakaibigan. Walang kompetisyon o sapawan .

Hindi nga naging isyu o problema ang billing sa concert poster.

Maituturing na nostalgic ang muling pagsasama-sama ng Metropop Search alumni at tiyak na marami ang masisiyahan.

Asahan ang isang gabi ng world-class performances, hit songs at mga nakagugulat na production numbers. 

Ang Stars Reignite ay handog ng Stage by J&D at EV Productions at ididirehe ni Vivian Poblete-Blancaflor. Ang musical direktor naman ay si Elmer Blancaflor