Will Ashley

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY good news si Will Ashley sa kanyang mga tagahanga, ito ang pagkakaroon ng kanyang kauna-unahang album.

Sa Setyembre 20 ay nakatakdang ilunsad ni Will ang kanyang album hudyat ng panibagong yugto sa kanyang karera bilang isang recording artist.

Sa collaboration ng  Sparkle GMA Artist Center at Star Music, inanunsiyo ang gaganaping album launch ng lead actor ng Delivery Boi sa SM North EDSA Skydome, 7:00 p.m..  

Magsisimula naman ang bentahan ng mga tiket sa Lunes, Agosto 10.

Inilabas ni Will ang kanyang unang single na Paborito, na siya mismo ang sumulat matapos ang pananatili bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ayon kay Will, “Super excited ako sa song na ito kasi very special din siya sa akin since it’s my first na isinulat na kanta.

“Itong song na ito, very Gen Z siya.” 

Samantala, mapapanood din si Will sa Tawa Serye na Delivery Boi ngayong taon.