L.A. Santos naghubad sa Miss Behave
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PAYAT at hunk na hunk na ang dating ni L.A. Santos nang makita namin ito sa Star Magic Spotlight presscon para sa cast ng youth-oriented mystery drama series na Miss Behave.
Ani L.A., kinarir niya ang pagpapapayat para sa papel ng hacker na si Migo sa Miss Behave na napapanood na sa iWant.
Bale ang Miss Behave ang first daring project ng aktor na napapayag siya ni Direk Ivan Andrew Payawal na maghubad kasama ang male co-star na sina JC Alcantara, Akira Morishita, Zach Castañeda, at Raven Rigor.
“Lahat kaming boys pinaghandaan namin ‘yung shower scene, na na-shoot naman quite artistically,” excited na kuwento sa amin ni L.A..
Ipinagmalaki pa ni L.A. na alam ng kanyang ina ang ukol sa kanyang paghuhubad.
“Umokey si mommy kasi sinabi ko sa kanya noing tapos na naming kunan,” tawa pang kuwento ng aktor.
“Oo, mas madaling mag-sorry, kasi nandiyan na, eh.
“Aside po roon, nakita ko naman din kung gaano na-proud si mommy, na pareho naman naming winish ’to at pinag-pray ang mga project na parang ganito.
“Doon din naman ako thankful sa lahat ng naging part ng journey ko po na rito sa ‘Miss Behave’ na rin magsisimula,” mahabang sabi pa ni L.A..
Natanong namin ang journey ni L.A. sa pagpapapayat at sinabj nitong hindi naging mahirap.
Ang dahilan? Hindi naman talaga siya kumakain ng kanin.
“Hindi ako nahirapan tanggalin ang rice, workout lang po talaga… and stress, hahaha! Biro lang,” susog pa ng aktor.
Idinagdag pa ni L.A na araw-araw ang ginagawa niyang pagwp-work-out na lagare rin siya sa set ng Miss Behave at ng katatapos lamang ng Richard Gutierrez-Gerald Anderson action series, Blood vs Duty.
“First time ko na-experience ‘yung tawid-tawiran. For me, sobrang masaya siya at sobrang nakakapagod at the same time, hindi ko siya mare-recommend sa lahat, pero roon ko rin napatunayan sa sarili ko na mahal na mahal ko ‘yung work, mahal na mahal ko ‘yung craft ko. Deep inside, ang gaan at ang saya.
“If I’m not doing acting, sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko sa buhay ko. At saka ano po, eh, it warms my heart at gumagaan ang puso ko kapag nakikita kong proud si mommy sa akin,” masaya pang pagbabahagi ni L.A.
Nalaman din namin na single pa rin pala siya.
“Love life? Wala muna po. Si mommy ang love life ko. One year na akong single. Ano naman din, at the same time rin naman parang as of now, kung nandiyan, nandiyan, kung wala, wala.
“Parang I just make the most of what I have now and with the people I have now, si mommy, ang Star Magic family ko, ‘Miss Behave’ and ‘Blood vs Duty’ cast.
“Yeah, I’m single by choice. Bahala na kung may magnakaw ng puso ko,” sabi pa ng aktor.
Kasama ni L.A dumalo sa mediacon ang mga kasama njya sa Miss Behave na sina Rain Parani, Andy Abaya, Rans Rafol, Raven Rigor, Zach Guerrero, Akira Morishita, at JC Alcantara.