Chinese film Dear You ipalalabas sa PH cinemas

FFCCCII

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IPALALABAS ngayong Agosto ang Chinese indie film na Dear You. Ito ay sa kabila ng hit success sa takilya sa ilang bahagi ng Asya. Ang pagoapalabas ay sa pangunguna ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa pakikipagtulungan sa Anvil Business Club

Ayon kay William Lim, Jr., pangulo ng Anvil Business Club at miyembro ng FFCCCII sa ginanap na media conference, napag-pasyahang nilang dalhin ang Dear You sa Pilipinas dahjl tiyak na makare-relate ang mga PinoyZ

From our perspective as young Filipino Chinese businessmen, dati na naming narirrinig ang mga istoryang ito mula sa aming mga lolo at lola—sila mismo ang mga tunay na nagmula sa Tsina. 

“So, I think this movie is very relevant to us because it tells us that story in a very cinematic and poignant way. Instead of stories being passed down to us, we can see it visually”, ani William.

Samantala, naniniwala naman si FFCCCII President Victor Lim na tatatak ang pelikula sa mga Filipinong nagsasakripisyo para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

We believe its message will resonate deeply with Filipinos. As a nation with millions of Overseas Filipino Workers serving in many parts of the world, nauunawaan namin ang mga sakripisyo, ang pagkakahiwalay, at ang emosyonal na pinagdaraanan ng mga pamilyang nagsisikap na bumuo ng mas magandang buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay,” anang FFCCCII President Victor Lim.

Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Agosto 12, at magkakaroon ito ng mga advanced screening sa Agosto 5 at 8 sa dalawang IMAX theater sa mga mall sa Metro Manila.

Ang pelikula ay ukol sa isang lalaking baon sa utang, na ginagampanan ni Zheng Runqi, na naglalakbay mula Tsina patungong Bangkok upang hanapin ang matagal nang nawawalang lolo. 

Sa pamamagitan ng mga lumang “qiaopi,” o mga sulat ng pagpapadala ng pera na dating ginagamit ng mga migranteng Tsino upang makipag-ugnayan sa kanilang mga pamilya, natuklasan niya ang nakatagong katotohanan tungkol sa kanyang umano’y mayamang lolo at nalaman ang tungkol sa mga pakikibaka, sakripisyo, at debosyon ng mga naunang henerasyon ng mga Tsino sa ibang bansa.

Ayon sa mga ulat, gumugol si Direktor Lan Hongchun ng tatlong taon sa pagsasaliksik sa pelikulang ito, at nakapanayam ang halos 300 pamilyang Tsino sa ibang bansa sa buong Timog-silangang Asya, Amerika, at Europa

Bago ito, nakamit ng pelikula ang kahanga-hangang tagumpay sa takilya sa Hong Kong, Singapore, at Malaysia.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO