Jairus at Nicole bibida sa Our Yesterday’s Escape
UNIVERKADA MAINIT NA SINALUBONG NG FANS
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
UMALINGAWNGAW ang walang katapusang tilian, hiyawan ng fans na may kasamang siksikan pa ang nagtungo sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2, Araneta City kahapon, Hulyo 29, 2026 para sa Grand Media Conference ng Our Yesterday’s Escape.
Nakaaaliw din ang kanya-kanyang paandar ng Univerkada loveteam fans sa kanilang mga give aways. Saludo po tayo sa fans ng WilBea, MarVen, HyGab, LanceBrey, KrisshRome, at siyempre ang JaiNicole na bida sa Our Yesterday’s Escape sa pag-aabalang ginawa nila. Maraming salamat po.
Bale ang OYE ang ikaanim at huling installment ng Viva’s University Series mula kay Gwy Saludes na handog ng VivaOne at mapapanood na simula Setyembre 5, 2026.
Ito na nga ang simula ng wakas. Isang bagong hit Wattpad novel ang bibigyang-buhay
ng Viva One sa adaptation ng Our Yesterday’s Escape., ang ikaanim at huling chapter ng patok na University Series ni Gwy na nakapagtala na ng mahigit 720 milyong views online.
Mula sa The Rain in España na sinundan ng Safe Skies Arch er, Chasing in the Wild,
A venues of the Diamond, at Golden Scenery of Tomorrow , mapapanood na sa wakas ang Our Yesterday’s Escape simula September 5 sa Viva One.
Nagbabalik sina Jairus Aquino at Nicole Omillo bilang Shan at Kierra, dalawang tao na magkaiba ang pinanggagalingan ngunit parehong may bigat na dinadala sa puso.
Si Kierra ay isang architecture student na, sa kabila ng isang mapait na karanasan, ay nananatiling bukas ang puso sa pagmamahal. Si Shan naman ay isang pyschology student na hindi naniniwala sa pag-ibig, kaya mas pinipili ang isang buhay na walang commitment at umiikot sa pagpa-party.
Nang sila ay magkakilala, mabubuo ang isang panandaliang affair na mauuwi sa isang komplikadong relasyon na tatagal ng maraming taon. Sa paglipas ng panahon ay sabay nilang haharapin ang mga sugat ng kahapon habang kumakapit sa pangakong dala ng bukas. Ngunit sa pagbabalik ng isang tao mula sa nakaraan ni Kierra, masusubukan sila ni Shan na ipaglaban hindi lang ang kanilang pag-ibig, kundi pati ang pagkamit ng katotohanan.
Ang serye ay mula sa direksyon ni Gino M. Santos, na kilala sa paggawa ng contemporary romance stories. Mula sa naunang University adaptations, A Venues of the Diamond, Safe Skies Archer at romantic films, In Between, Men are From QC, Women are from Alabang, Ex with Benefits na kanyang idinirehe, dala niya ang husay at lalim para sa huling kabanata ng University Series.
Makakasama nina Nicole at Jairus sa cast ang ilan sa mga beteranong artista tulad nina Mon Confiado, Dominic Ochoa, Angelu de Leon, Anjo Yllana, Bernadette Allyson, Yayo Aguila, Michael Flores, Jan Marini, Cris Villanueva, at marami pang iba, na ang bawat isa ay may mahalagang papel sa buhay nina Kierra at Shan.
Abangan din ng mga tagahanga ng University Series ang pagbabalik ng pinakamamahal nating Univerkada na sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene,Wilbert Ross, Jerome Ponce, Krissha Viaje, Gab Lagman, Hyacinth Collado, Aubrey Caraan, at Lance Carr.
Bilang huling kabanata ng University Series, ipapaalala ng OYE na ang pinakamatapang na desisyon ay ang piliing maghilom mula sa nakaraan at muling buksan ang puso sa pag-ibig.
Huwag palampasin ang OYE simula September 5 sa Viva One,na may bagong episode kada Sabado.