Suspek sa online sexual exploitation timbog, 5 menor sa 8 nasagip

arrest, posas, fingerprints

INARESTO ng mga awtoridad ang isang 18-anyos lalaking pinaniniwalaang operator ng online sexual exploitation, habang nasagip ang walong biktima kabilang ang limang menor de edad, sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes, 23 Hulyo.

Ikinasa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division ang entrapment operation, search warrant implementation, at rescue operation matapos makatanggap ng tip mula sa Royal Canadian Mounted Police Force (RCMP) katuwang ng iba pang mga ahensiya kaugnay ng modus ng suspek na nag-aalok ng mga menor de edad sa isang dating website kapalit ng pera.

Nabatid na pinagsusuot ng suspek ang mga biktima ng damit pambabae saka kinukunan ng video ng malalaswang eksena.

Bukod sa sex video, nagsasagawa rin ng live show sa dating website na pinananood ng kaniyang mga kliyente sa Canada.

Sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD), kinompiska ang mga digital devices ng suspek, kabilang ang kaniyang cellphone at mga Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa NBI detention facility sa lungsod ng Muntinlupa habang inihahanda ang mga isasampang kaso ng ahensiya at mga partner organizations para sa paglabag sa RA 11903 o Anti-Child Abuse or Exploitation Materials Act.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO