Blue Dreamees PH iGee Studio, Astig ng Kabataang Pinoy

MATABIL
ni John Fontanilla

BAGONG teen variety show ang hatid ng unti-unting sumisikat na PPop Group na Blue Dreamers PH na kinabibilangan nina Shayne, Jarred, Jairex, Xan Xan, at Zhian together with Jam and James, ang iGee Studio, Astig ng Kabataang Pinoy na napapanood sa Onflix Originals at I Gee FB Page tuwing Linggo, 7:00 p.m.

At nakahit nakakatatlong linggo pa lang sa pagpapalabas ng nasabing show, parami-ng parami na ang nanonood nito.

Sa kanilang third episode ay naging espesyal na panauhin si Patricia Javier na nag-promote ng kanyang hit single na Imagine Me Without You habang naging guest juries naman para sa singing and dance number ang Jeremiah member na si Froi Calixto at PMPC Star Awards Inc. President at Showbiz Authority host na si Fernand Ms F. De Guzman kasama ang resident judge na si Barangay LSFM DJ na si Janna Chu Chu.

Ang I Gee Studios ay hinahasa pa ang galing ng Blue Dreamers PH sa  singing, dancing, hosting, at acting.

At sa August 1 ay tatanggapin naman ng Blue Dreamers PH ang kanilang 3rd award mula sa 3rd Philippine Young Faces of Success bilang Breakthrough Teen PPop Group of the Year 2026.