Kris magbabalik-telebisyon na nga ba?
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MARAMI ang na-excite sa tila ibinahaging balita ni RB Chanco. Magbabalik na ang nag-iisang Queen of All Media, Kris Aquino.
Si RB ang longtime make-up artist at kaibigan ni Kris at nagbahagi nga ito sa kanyang Instagram storyng tila behind the scenes na makikita ang production set up ng mga kamera.
Mah caption iyong, “The Real Queen we’ve all been waiting for. Coming soon.”
Kaya naman mabilis ang balita na baka nga magbabalik na ang aktres/TV host dahil na rin sa post ni RB.
May isa ring netizen ang nag-post sa Reddit na marami na ang nag-aabang sa pa-teaser na post sa pagbabalik ni Kris.
Anito, “Photo from Ms. Kris‘s longtime makeup artist RB Chanco. After everything Ms. Kris has been through with her health, seeing this behind the scenes photo is truly heartwarming.
“Base sa caption ni RB with the letter ’K’ at sa production setup, mukhang malapit na talaga ang kanyang comeback.
“Praying that she continues to get stronger every day. We can’t wait to see you back on our screens Ms. Kris.”
Marami ang agad nagbigay ng kani-kanilang komento na lahat ay excited at nagsabing sana’y magbalik na nga ang mommy nina Bimby at Kuya Josh.
May mga post na sana’y isang talk show o kaya podcast! O kaya naman ay mala-Kris TV uli.
May mga nagsabi naman na kahit ano pang show basta ang mahalaga ay makabalik sa TV si Kris.
Well, aabangan natin ‘yan!
